Pipili na tayo ng magnanakaw sa atin

NGAYONG araw magsi-siboto na naman tayo kung sino ang susunod na presidente. Lahat ng tumatakbo, malinis, may malasakit, may tapang, may puso, disente, mahal ang bayan at kung ano-ano pa.
Pero, ilang beses na nating pinagdaanan ito? Palagi na lang, hindi nawawala ang pangungurakot sa gobyerno. Nariyan ang mga gobyerno ng “housewife,” hene-ral, actor, ekonomista, ulila ng housewife, pero hindi pa rin nawala ang mga katiwalian.
Ngayon, pipili na naman tayo. Sino ba ang susunod na presidente? Ang “maka-kaliwa at babaerong killer”?; ang Amerikanang ampon?; ang tinatakang “corrupt” pero makamahirap at may karanasan; ang nagmamalinis pero tamad na elitista?; o, ang may sakit na magaling at matalino?
Kung susundan ang kasaysayan, totoo ang kasabihang sa ilalim ng ating demokrasya, tayo mismo ang pumipili ng magnanakaw sa atin.
Tingnan ninyo, may naghirap ba sa mga na-ging presidente at mga ayudante nila? Sa anim na taong pamamayagpag, ang kaban ng bayan na galing sa ating mga buwis at pinagpawisang sweldo ang kinakatay nila.
Sa palagay n’yo ba walang magnanakaw sa gobyerno kapag si Duterte, Poe, Binay, Roxas at Miriam ang mananalo? Sa totoo, ngayon pa lang ay naghahatian na ng posisyon ang mga nakapaligid sa mga kandidato na iyan lalo na sa ma-nanalo.
Ang pinupuntirya, siyempre ay ang mga matatabang posisyon gaya ng Department of Agriculture, Finance partikular na ang Bureau of Customs, yung mga ahensiyang maraming kwarta gaya ng PCSO, Pagcor, DPWH, GSIS, SSS at kung ano-ano pa.
Bukod dito, 10 mahistrado ng Korte Suprema ang magreretiro kung kayat talagang makapangyarihan ang taong pipiliin ng bansa ngayong araw na ito.
Ika nga, masyado ang “poder” ng susunod na pangulo na pwede niyang gamitin para maging tagapagligtas ng bayan o kaya’y maging “diktador.”
Kahapon, halos lahat ng kaparian ng simbahang katoliko ay nagbabala ng “gulo” sa halalang ito. Sapagkat, meron daw mananalo, pero hindi raw tatanggapin ng mga matatalo at maghahasik sila ng kaguluhan.
Kapag may nanalo naman, posibilidad din daw ang “kudeta.” Sa pakiwari ko, ang tinutukoy ng pari ay kung mananalo si Ro-xas, manggugulo ang mga Duterte; kung manalo naman si Duterte, ikukudeta siya ng mga dilawan.
Paano kung pareho silang talo at nabuwisit ang tao, at si Poe o kaya ay si Binay o Miriam ang manalo? Tanggapin kaya ng mga kampo nina Duterte at Roxas? Sa a-king pananaw, ito ang kaisipang umiiral sa mga mamamayang boboto ngayon – ang “silent majority” na hindi magpapadala sa “surveys” at sa mga patutsadahan sa media.
Paano niyo masisi-gurong panalo na kayo kung ito’y batay sa SWS, PULSE ASIA, LAYLO at kung saan saan pa na 1,200 hanggang 4,000 katao lamang ang tinanong?
Sabi mismo ng mga eksperto, meron pang 25% ng mga botante ang magbabago ang isip sa pagpasok nila sa presinto. Ang mga Pilipinong ito ay ayaw ng gulo, kayaba-ngan, at pambobola.
Sawang sawa na tayo sa napakaingay na mga pagtatalo sa 90 araw ng kampanya.
Ang malungkot, kahit sinong piliin natin ay magnanakaw pa rin sila at ang mga alipores nila kapag naupo sa Malakanyang.

Read more...