15 patay sa election related incidents

election
AABOT sa 15 katao ang namatay sa 28 insidente na may kinalaman sa halalan simula ng election period noong Enero 10.
Inilabas ng Philippine National Police ang nasabing impormasyon kahapon, isang araw bago ang halalan ngayong araw.
Ayon sa PNP, papalo sa 46 insidente ng karahasan ang naiulat mula Enero 8 hanggang Mayo 8. Sa naabing bilang ay 28 ang napatunayang may kinalaman sa eleksyon kung saan 15 ang nasawi at siyam ang nasugatan,
Idinagdag ng ahensya na 60 sa 146 na insidente ay 60 ang kumpirmadong walang kinalaman sa halalan habang 58 ang pinaghihinalaang may kinalaman sa botohan ngayong araw.
Kamakalawa, ang huling araw ng kampanya, apat katao ang napatay sa magkahiwalay na pag-atake sa dalawang kandidato sa pagka-alkalde sa Isabela at Bukidnon.
Idinagdag ng PNP na lima ang naganap sa Central Luzon, tig-apat sa Central Visayas, Cagayan Valley at Calabarzon, tatlo sa Ilocos Region, tig-dalawa sa Northern Mindanao at Metro Manila at tag-iisa sa Zamboanga Peninsula, Bicol region, Soccsksargen at Cordillera Administrative Region.
Napag-alaman din sa PNP na mahigit 10 katao na ang nadakip dahil sa paglabag sa liquor ban bago mag-alas-11 ng umaga kahapon.

Read more...