Comelec itinanggi na may pink na minarkahang balota para kina Roxas at Robredo

Screen-Shot-2016-05-08-at-1.22.17-PM-620x315
ITINANGGI ng Commission on Elections (Comelec) na may mga minarkahang kulay pink na mga balota para sa mga pambato ng administrasyon na sina dating Interior secretary Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Sa isang tweet, iginiit ni Comelec spokesperson James Jimenez na peke ang mga sinasabing balota.

“The one on the right is clearly photoshopped. Fake,” sabi ni Jimenez kaugnay ng pabalota na may pink na linya na ipinadala ng Twitter user na si Nokie Villanueva.
Ito’y matapos mag-viral ang isang post sa Facebook ng isang Mbaid Nayre na siyang unang nag-ulat hinggil sa pink na linya na umano’y ibibilang para kina Roxas and Robredo.
“Sa mga Botante: If u see with light pink color line on your ballot form. Pls ask BEI to change that because that is already Mar-Leni, even u vote other presidentiables. Pls pass. God bless po sa ating lahat…..” sabi ni Nayre.
Umabot na sa 48,000 ang share ng post ni Nayre.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Jimenez sa patuloy na pagkalat ng mga maling impormasyon.
“That stupid pre-marked ballot story again. Offensive because it assumes voters are dumb enough to accept a pre-marked ballot,” ayon pa kay Jimenez.

Read more...