ANG paniwala ni Tom Rodriguez ay “hindi eksklusibo sa Pinoy ang ganoong klase (ng politics) as “you see it all over the world”. ‘Yan ang tingin niya sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa ating politika.
“Tingnan n’yo na lang ang nangyayari sa States ngayon, mas magulo pa kaysa sa atin kaya hindi eksklusibo sa atin ‘yon. Sana imbes na laging emosyon nating ang ginagamit nating gabay – hindi naman kailangang 100% emosyon, 100% puro rationality – bakit hindi natin hanapin ‘yung mid-road.
“Alam ko napakahirap hanapin kasi minsan sa buhay ko emosyon ‘yung nagdadala at nagdedesisyon para sa ‘yo. Kung puro puso lang ay hindi maganda ang kalalabasan minsan. Kailangang ibalanse natin,” paliwanag ng actor na gumaganap bilang senador sa “Magtanggol”, an indie movie.
“Lahat tayo may kanya-kanyang pag-iisip. Ang feeling ko kahit na ano ang gagawin mo basta alam mo sa buong kapasidad ang ginagawa mo ang makakaya mo para aralin ang nasa kapaligiran nang sa gayon ay makita natin kung ano ang karapat-dapat pa na mangyari, kung sino ba ang dapat na maupo. Sana naman ay alamin at aralin,” dagdag pa niya.
Bilang senador sa “Magtanggol” who helped OFWs who are victims of abuse, inamin ni Tom na wala siyang particular peg. “Ang ginawa ko na lang ay nanood ako ng mga senate hearings and I’d like to re-immerse as much as possible and know about our country’s history, our country’s political system. At the same time I delved on ther character. Tiningnan ko ang history ng character kung saan nanggagaling ‘yug actions na ginagawa niya,’ he said, adding that “in a way, this is a political family.”