Anne: Hindi po ako ang bagong gaganap na Darna!

anne curtis

MARIING pinabulaanan ni Anne Curtis na siya ang napili ng Star Cinema bilang kapalit ni Angel Locsin sa bagong movie version ng “Darna”. Ibinalita kasi ng TV host-actress na meron siyang gagawing movie with Erik Matti na siyang magdidirek ng “Darna”.

Pero chika ni Anne ibang proyekto raw ang tinutukoy niya, “No hindi siya Darna. But it’s something I’ve never done before, sobrang excited na ako talaga to start filming. We’re gonna start mga July. It’s definitely another side of me that I’ve never done before.”

“There’s a lot of training. Maa-announce na ’yun siguro when I get back from Solenn’s (Heussaff) wedding. Mag-start na ang training for that new film,” dagdag pa ng Kapamilya actress.

Sa pagkakaalam namin, base na rin sa mga naglabasang ulat, si Angel pa rin daw ang gaganap na Darna sa bagong movie version nito. Hihintayin daw ng Star Cinema ang tuluyang paggaling ng likod ni Angel bago nila simulan ang shooting ng Pinay superhero movie.

Read more...