Producer ng ‘My Candidate’ kontra sa utos ng DOLE

atty joji alonso

PINALAGAN ng producer ng pelikulang “My Candidate” na si Atty. Joji Alonso ang itinakdang 10-12 working hours ng Labor Department sa mga shooting at taping. Isa lang si Atty. Alonso sa hindi pumabor sa patakarang ito ng DOLE dapat daw ay nakipagdayalogo muna sa mga TV networks at film companies ang ahensiya ng gobyerno bago ito naglabas ng kautusan.

Katwiran ni Atty. Joji, “The questions nga is, are these people (production staff) employees? Because the DOLE is supposed to have jurisdiction over people who are employees. So they are independent contractors, their talents, I don’t have control how they act or how they take on a character, so big issue ‘yan,” paliwang ng producer-lawyer.

Dagdag pa, “I don’t agree that the law is valid. I don’t even agree that it’s a law, it’s a department order it can always be question if it goes against the basic tenets of the labor code, so basic question arises, are they employees?

“I can argue that they are not employees, assuming they are employees, I can argue that they are not covered by the labor code because they fall under article book 3 of the labor code field personnel. So walang limit ‘yun sa work hours.

“Kami (Quantum Films owner) naman, we have self-imposed working hours, hindi naman kami umaabot ng (umaga), naga-average cut-off kami ng 2 a.m., okay na yun. Wala rin daw planong mag-produce ng teleserye si Atty. Joji, “Mahirap ang teleserye, magde-develop ka over a span of 13 weeks, madugo ‘yun, hindi ko kaya ‘yun,” tumawang sabi ng lady producer.

Pagkatapos daw ng eleksyon sa Mayo 9 ay panoorin daw sana ng mga Pinoy ang “My Candidate” sa Mayo 11 para pampa-good vibes naman after ng mga maiinit na isyu sa politika. Katuwang ng Quamtum Films ang MJM Productions, Tuko Films at Buchi Boy Films sa “My Candidate” na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Shaina Magdayao, Iza Calzado at Ketchup Eusebio mula sa direksyon ni Quark Henares.

Read more...