IN fairness, challenge nga sa misis ni Chiz ang kanyang role sa Juan Happy Love Story at naniniwala kami na mabibigyan niya ito ng hustisya base na rin sa first two episodes na napanood namin sa ibinigay na special preview ng production sa ilang members ng entertainment press.
Bagong putahe na naman ito para sa kanyang mga tagasuporta. Siguradong ikaka-shock ng mga manonood ang mga pinaggagagawa ni Heart sa Juan Happy Love Story.
Aminado naman si Heart na medyo nahiya siya kay Dennis nang kinukunan na ang kanilang intimate scenes, “Siyempre, sobrang ilang ako,” she recalled. Si Dennis, sobrang relax lang siya. Pero ako, naiilang ako kasi never naman ako nagkaroon ng ganitong show o chance para maipakita ang
aking naughty side.
“After a while, parang normal na lang siya kasi parang paulit-ulit na lang, so nakakaaliw na siya. Kasi hindi naman talaga seryoso yung mga eksena, pa-comedy ang atake kaya hindi siya bastos,” chika pa ng aktres.
Nakakaaliw din ang mga role nina Gloria Romero at Nick Lizaso sa kuwento na gumaganap na lola at lolo ni Dennis na laging nagtatalo dahil sa pambababae ni Juan. Makakasama rin sa serye sina Gardo Versoza, Lotlot de Leon, Jorros Gamboa, Ericka Padilla, Dominic Rocco, Arianne Bautista, at ang mga baguhang Kapuso stars na sina Kim Domingo, Vincent Magbanua at Rob Moya (anak ng dating aktor na si Jovit Moya, na naging member din ng That’s Entertainment).
Magsisimula na ang Juan Happy Love Story sa May 16 sa GMA Telebabad lang, sa direksiyon ni L.A. Madrilejos.
– Ervin Santiago