Rain or Shine Elasto Painters nasilat ang Alaska Aces sa Game 2

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska vs Rain or Shine
(Game 3, best-of-7 finals)

MULING bumida si Paul Lee para sa Rain or Shine matapos maghulog ng game-winning jumper para tulungan ang Elasto Painters na masilat ang Alaska Aces, 105-103, sa Game Two ng kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championship series sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City kahapon.

Naibuslo ni Lee ang buzzer-beating shot matapos mahablot ang rebound mula sa sablay na corner shot ni Beau Belga para ipagkaloob ang panalo sa Rain or Shine na nakuha ang 2-0 lead sa kanilang Final series.

Pinangunahan nina Lee at Jeff Chan ang opensa ng Elasto Painters sa kinamadang tig-17 puntos.

Nag-ambag naman sina Jewel Ponferada, Jericho Cruz at Belga ng tig-14 puntos para sa Rain or Shine, na naghabol sa halos kabuuan ng laro.

Nagtala si RJ Jazul ng 24 puntos para pamunuan ang Alaska na ang lahat ng starters ay umiskor ng double figures.

Si Rob Dozier ay nagdagdag ng 20 puntos, si Calvin Abueva ay kumana ng 14 puntos habang sina Sonny Thoss at Cyrus Baguio ay nag-ambag ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Aces.

Read more...