Sharon botong-boto sa bagong manliligaw ni KC: He’s a good guy!

kc concepcion

NAKAUSAP ng entertainment media si Sharon Cuneta sa thanksgiving party para sa 20th wedding anniversary nila ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Celebrity Sports Plaza noong Huwebes ng gabi.

Magkaibigang matalik sina Zsa Zsa Padilla at Sharon kaya hiningan ng reaksyon ang Megastar tungkol sa pakikipaghiwalay nito sa fiancé na si Architect Conrad Onglao kamakailan lang.
Sabi ni Sharon, “You have to respect and give her space if it’s something that ended.”

Nasaktan din daw ang Megastar dahil parehong malapit sa kanya ang mag-ex at siya ang dahilan kung bakit nagkatagpo at nagkainlaban sina Zsa Zsa at Conrad. Pahayag ng TV host-actress, “You have let her grieve. I am hurt for Zsa Zsa since she have been my friend for 20 years also Conrad who’s also a friend. But you know, they had a good relationship and Zsa Zsa is a decent woman.”

Hindi pa rin daw sila nagkakausap ni Zsa Zsa, “Actually, hindi ko siya ma-text, pareho ko silang kaibigan, pero siyempre, mas close sa akin si Zsa Zsa.” Diin ulit ng Megastar, “Well, they have a wonderful time together, that I’m sure of. They had a wonderful more than a year together. There are relationships that come and go, there are relationships that come and stay.”

Samantala, sa naganap ngang thanksgiving party ng mag-asawang Kiko at Sharon, dinaluhan ito ng kanilang malalapit na kaibigan at kaanak at talagang nag-enjoy ang mga bisita nang mag-perform na sina Gary Valenciano, Gab Valenciano, Dessa, Noel Cabangon at marami pang iba.

Late namang dumating si KC Concepcion na kasama ang lalaking nagpapasaya ngayon sa kanya, ang Azkals player na si Aly Borromeo. Ipinakilala na rin ni KC sa kanyang pamilya si Aly. Pahayag ni Mega tungkol kay Aly, “You know, he’s a really good guy. Parang you better ask KC na lang. Ito namang si Kristina, lahat naman anak ng dineyt mo binoboto ko tapos wala namang nangyari.

“At least ito namang si Aly, let’s put it this way, if this was 20 years ago then a man like Aly came into my life and took care of me, yun ang sasagutin ko siguro. Maiba naman, di ba? Ha-hahaha!” pahabol pa ni Sharon na medyo pumayat na ngayon.

Read more...