Aljur dedma muna sa lovelife: Pinakamahalaga sa akin ngayon ay pamilya!

aljur abrenica

Kahit busy sa kanyang primetime series na Once Again, sinisiguro ng GMA Artist Center star na si Aljur Abrenica na hindi mawalan ng time para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Dati raw kasi ay nawawalan sila ng panahon na mag-bonding at magkasama sa mga lakaran kaya naman sinisikap na nila ngayong magkita-kita every week. Kaya kahit walang lovelife, happy pa rin si Aljur dahil buong-buo pa rin ang kanyang pamilya.

“Nawawalan kami ng time together, ‘yung nakasanayan ng pamilya na everyday magkasama kaya we see to it na every week ay buo kami. “Family kasi is the core of everything. Once nawala ‘yung koneksyon mo sa family mo, mawawalan ka ng reason kung bakit ka nasa industry.

Sila ang inspirasyon ko,” dagdag pa ng Kapuso hunk na enjoy na enjoy ngayon sa bago niyang serye kasama si Janine Gutierrez.

 

Read more...