NAKAKABILIB ang talino at pagiging smart ni Jasmine Curtis-Smith nang ipakilala ito bilang bagong mukha ng Flawless.
Wala itong kiyeme sa pagsagot ng mga tanong mula sa press kaya naman ang sarap niyang kachikahan.
Waitlisted pala ang dalaga sa Ateneo de Manila University kung saan niya planong mag-college.
Yes, mukhang desidido na siyang manatali dito sa Pilipinas at iwan ang Australia para mas mabigyan niya ng oras ang showbiz career.
Noong nasa Australia kasi siya ay nahihirapan ang TV5 na bigyan siya ng maraming projects dahil nga doon siya nag-aaral.
At bilang nag-enjoy na siya sa showbiz, kinarir nga niya ang pag-apply sa Ateneo para dito na nga ipagpatuloy ang kanyang kolehiyo. “At least po sa ganyang set-up dahil dito na ako, mas magagawan ng paraan.
At dahil mahilig naman po talaga akong mag-aral, I think I can manage na pagsabayin ang work and studies,” sey ng 18-year-old sister ni Anne Curtis.
Actually, nakaabang din ang isang kilalang university sa Australia na kanyang napasahan na bilang option for her college education.
Ang maganda raw dito, kahit dito siya naka-base sa Pilipinas, she can still get her degree, kaya nothing to worry umano ang mga nagsasabing mahihirapan siya sa ganitong sistema.
May mga galaw si Jasmine na parang si Anne rin, pero mas impressed kami sa katalinuhan ng bagets.
Ha-hahaha! Kapatid na Ervin don’t get us wrong, mahal namin ang dyosang si Anne, pero mas halata kasing fresh pa ang school/educational values ni Jasmine kaya masarap siyang pakinggan habang ikinukuwento ang kanyang mga karanasan sa buhay.
“It will take time po siguro, but I don’t get pressured,” sagot pa nito sa tanong tungkol sa kung hanggang kailan siya magiging shadow ng kanyang sikat na sikat na ate.
“Basta po ako, I’m determined and ready to showcase whatever I’ve got, and will try to discover new things para kahit paano ay maihiwalay ko naman po ang sarili ko sa aking ate na mahal na mahal ako at very supportive sa akin,” hirit pa nito.
Posible kayang magpaseksi rin siya tulad ni Anne? “Maybe in the future.
But as of now kasi, 18 pa lang po ako, I don’t think emotionally and physically…I don’t think I’m ready yet.
And of course, I have to learn the different types of acting in this industry to perform those roles if ever the opportunity comes along.”