Guhit ng palad: Anong kapalaran ang naghihintay kay Miriam Santiago?

miriam

KUNG minsan ang kapalaran ng mga Pinoy ay ibinabase sa kung anong guhit ng kanilang palad. Hindi man konkreto, pero may mga naniniwala. Kung kayat kinunan ng Banddera ng larawan ang mga palad ng apat na kandidato sa pagkapangulo, at ang isa ay hindi nagpaunlak, para mabasa at makita kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila hindi lang sa usapin ng pulitika kundi pag-ibig, kabuhayan at kalusugan.

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO
Kapalarang politikal bahagyang kinapos

LIFELINE Line – Sobrang layo nang inabot ng sakop ng kanyang “Life Line”. ibig sabihin kung bibigyan pa siya ng mahabang buhay ng tadhana, mas higit pa ang kanyang magagawang tagumpay sa kanyang buhay.

Iyon nga lang medyo nag-iba ang kulay ng dulong bahagi ng kanyang palad. Tanda ito ng kakaibang karamdaman na maaaring nagpapahirap sa kanya na may kaugnayan sa “circulatory system” o sa mga “gatil daluyan ng hangin at dugo.”

Sa kabilang banda, sa kabuuang impression ng kanyang palad, kinakikitaan din ito ng bagong kasiglahan at kakaibang init ng libido. Kung baga kung hindi mo alam a sa senadora pala ang palad na iyong titingnan gaya nang nasa larawan, aakalain mong palad ito ng isang sexy,

Santiago ang palad na iyong tintintinan, mapagkakamalan mo na ito ay palad ng isang sexy, maganda at batam-batang teenager ana babae. Ibig sabihin lang basta’t patuloy lang siyang maging masaya at sexy hahaba pa ang kanyang buhay.

Dahil maganda ang kabuuang impression ng kanyang palad, malaki ang posibilidad na may positibong kahihinatnan ang ginagawang “special na paraan” ng panggagamot sa kanyang kalusugan.

Matambok ang ilalim na bahagi ng palad – ito ay tanda na puno ng imahinasyon, idea, karunungan at pangarap ang kanyang buhay. Ang mga magagandang pangarap na ito at idea ay tanda na kung gugustuhin niya, marami pa siyang aklat na maisusulat na makapag-aambag ng karunungan at kakaibang kaalaman sa mga susunod na henerasyon na magiging daan din upang lalo pang humaba ang kanyang buhay.

Career at Fate Line – Bagamat maganda ang tintahak na direksyon patungo sa pinakailalim ng daliring hinlalato o panggitna, hindi naman ito sadyang dire-diresto. Ibig sabihin, yong kapalaran niya sa politika at pamumuno ay bahagyang kinapos para abutin ang 100 porsiyento na determninasyon kaya malabo niyang masunggkit ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Read more...