Binay laban pa rin; suporta ng El Shaddai nasungkit

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Vice President Jejomar Binay sa kanyang laban sa pagkapangulo ngayon na nakakuha siya ng suporta sa malaking grupo ng  El Shaddai.

Ito ang sinabi ni Joey Salgado, information office ng bise presidente.

Ayon kay Salgado, inanunsyo ang pagsuporta ng El Shaddai leader na si Bro. Mie Velarde sa radio station na DWXI El Shaddai 1314 AM.

“The radio station of El Shaddai DWXI 1314 has announced the endorsement of Vice President Jejomar C. Binay as its candidate for president,” pahayag ni Salgado.

Ayon sa programa, si Binay ang pinili “unanimously” ng mga miyembro nito na binigyan ng survey ballots.

Iginalang naman umano ni Velarde ang desisyon ng kanyang mga miyembro.

Sa kalatas na binasa sa nasabing isytasyon:  “Sa El Shaddai, ito ang resulta ng ating internal survey tungkol sa halalan, ating ginagalang ang pinili ng karamihan, siya ang ating pagkaisahang iboto sa Lunes, May 9 2016.”

“Agahan ang pagpunta sa inyong presinto, isama ang naakay niyo. For president, ayon sa binoto ng nakararami, sa ating internal survey sa ministry, for president, ang number one ay si Jojo Binay,” dagdag pa ng kalatas.

Samantala sa pagkabise-presidente, inendorso rin ng grupo si Senador Bongbong Marcos.

Bukod kay Binay, lumapit din ang presidential bets na sina Senador Grace Poe at Mar Roxas para sa suporta ng grupo.

Read more...