Coco Martin: Tinuruan tayo ng mabuti pero bakit natutuwa tayo sa hindi maganda? | Bandera

Coco Martin: Tinuruan tayo ng mabuti pero bakit natutuwa tayo sa hindi maganda?

Leifbilly Begas - May 06, 2016 - 04:06 PM

coco1
Nanawagan ang aktor na si Coco Martin sa mga residente ng resettlement area sa Pandi, Bulacan kahapon na buksan ang kanilang isipan sa nalalabing araw ng halalan.
Sinabi ni Martin minulat siya ng kanyang mga magulang at ng kanyang lola na maging mabuting tao.
“Pero bakit po ngayon ang nangyayari, sa tuwing may maririnig tayong hindi magaganda, pumapalakpak tayo at tuwang-tuwa? Bakit po nangyayari ‘yon?” ani Martin na hindi naman tinukoy si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kilala sa kanyang pagmumura.
“Patawarin niyo po ako. Kung meron man po akong naaapakan at nasasaktan, ito po ay dala lang ng aking nararamdaman.”
Dagdag pa ni Martin nakagisnan niya na dapat inirerespeto ang mga babae at “Itinuro rin po sa akin ng aking magulang na huwag na huwag akong magmumura at respetuhin ko ang Diyos. Ganoon din po ba kayo?”
Sinabi ni Martin na hangad niya na magkaroon ang bansa ng pangulo na makikinig sa lahat ng mga Pilipino.
“Alam ko, may iba-iba tayong pananaw, may iba-iba tayong opinyon pero huwag naman po tayong mag-away-away. Kasi po ito ang tamang pagkakataon para magkaisa po tayo, para po sa ating bansa, para sa ating pamilya at para sa ating sarili.”
Ayon kay Martin naniniwala siya sa kasabihan na kung ano ang puno, siya ang bunga at naniniwala siya na naging mabuting tao si Fernando Poe Jr., ang ama ni Poe.
“Si FPJ, siya ang pinakasikat, pinakanirerespeto sa industriya naming mga artista at nirerespeto ng lahat ng mga Pilipino. Tama po ba ‘yon? Pero si FPJ kahit kailan hindi ko nakita o narinig na nang-apak ng tao. Siya ay isang matapang at may paninindigan pero wala po siyang inapakan na tao at pinagsalitaan ng masakit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending