Napanatili ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang kalamangan sa pre-election survey ng Social Weather Station na kinomisyon ng BusinessWorld.
Hindi gumalaw ang 33 porsyento na nakuha ni Duterte noong Abril 18-20 sa survey na ginawa noong Mayo 1-3.
Bumaba naman ng dalawang porsyento si Sen. Grace Poe na nakapagtala ng 22 porsyento.
Umakyat naman ng isang porsyento ang kandidato ng administrasyon na si Mar Roxas at nakapagtala ng 20 porsyento.
Bumaba naman ng isang porsyento si Vice Presidente Jejomar Binay na nakapagtala ng 13 porsyento. Panghuli pa rin si Sen. Miriam Defensor Santiago na may dalawang porsyento.
Ang survey ay mayroong 4,500 respondents at margin of error na plus/minus 1.
VP
Sa Vice Presidential race ay muling nanguna si Sen. Bongbong Marcos na nakapagtala ng 29 porsyento, mas mataas sa 25 porsyento na kanyang nakuha sa mas naunang survey.
Sumunod naman si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakapatala ng 28 porsyento mula sa 26.
Bumaba naman ng tatlong porsyento si Sen. Francis Escudero na may 15 porsyento at sinundan ni Sen. Alan Peter Cayetano na may 13 porsyento mula sa 16 puntos.
Pareho namang nakakuha ng tatlong porsyento si Sen. Antonio Trillanes at Sen. Gringo Honasan.
Senatorial
Sa senatorial elections ay pito naman sa mga kandidato ng Team Daang Matuwid ang nakapasok sa Magic 12.
Nanguna si Sen. Franklin Drilon na sinundan nina Sen. Tito Sotto III, ex-Sen. Kiko Pangilinan, Sarangani Rep. Manny Pacquiao, ex-Akbayan Rep. Risa Hontiveros, ex-Sen. Panfilo Lacson, Sen. Serge Osmena, dating TESDA chief Joel Villanueva, ex-Sen. Richard Gordon, Sen. Ralph Recto, ex-Sen. Juan Miguel Zubiri, at dating Justice Sec. Leila de Lima.
Sumunod naman si Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, Sen. TG Guingona, ex-MMDA chair Francis Tolentino, Leyte Rep. Martin Romualdez, Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso, Mark Lapid, ex-Energy Sec. Jericho Petilla at Edu Manzano.
Duterte namayagpag sa SWS survey; Marcos nanguna rin
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...