P32.9M nakuha sa Cebu

lotto for site
Isang mananaya sa Guadalupe, Cebu ang nanalo ng P32.9 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Huwebes ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya ng P120.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 38-24-40-20-39-13.
Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 20 mananaya na nakalimang numero. Tig-P910 naman ang 766 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 15,181 mananaya na nakatatlong numero.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo. Kung mabibigo ang premyo ay idaragdag sa Charity Fund ng PCSO.

Read more...