MAGSASAGUPA ang mga pinakamagagaling na beach volleyball players sa bansa kabilang ang pinakabeterano at pinakamaraming naiuwing titulo na si Jovelyn Gonzaga sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Challenge Cup beach volleyball tournament na mag-uumpisa bukas sa Sands at SM By the Bay sa Mall of Asia.
Ang dating miyembro ng national team na hindi pa nabibigo sa malalaking beach volleyball tournament na sinalihan na si Gonzaga ay makikipagpareha sa isa pang subok sa labanan na si Nerissa Bautista para sa RC Cola-Army sa ikalawang edisyon ng PSL beach volley na suportado ng SM By the Bay, Petron, Foton, Accel, Mikasa, Senoh at Island Rose.
Aminado naman si Gonzaga na dadaan sila sa mahirap na kampanya bunga ng matitinding kalaban na inaasahang hindi rin magpadaig sa kanilang husay at talento.
“It will be a very tough battle,” sabi ni Gonzaga, na nagsimulang kumulketa ng korona sa beach volley para sa Central Philippines University (CPU) noong 2009 sa iba’t-ibang torneyong sinalihan.
—Angelito Oredo
Best of the Best magsasagupa sa PSL beach volley
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...