Alaska vs Rain or Shine finals umpisa ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska vs Rain or Shine

PAPABOR ba sa Rain or Shine ang matagal na pahinga o makikitaan ng kalawang ang koponan sa Game One ng PBA Oppo Commissioner’s Cup finals kontra Alaska Milk ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Maagang nadispatsa ng Rain or Shine ang San Miguel Beer kaya itinuturing na llamado ito na masungkit ang ikalawang kampeonato sa liga.
Galing naman ang Alaska sa five-game series kontra Meralco Bolts na natapos nito lamang Miyerkules. Gayunpaman, nangako ang Aces na ibibigay pa rin nito ang lahat kontra Elasto Painters.
“Seryoso, magandang laban itong Finals na ito,” sabi ni Alaska guard Calvin Abueva. “Wala nang tataas pa dito, buhos na dapat dito dahil trophy na pinaglalabanan namin dito.”
Isa sa pakakaabangan sa serye ay ang tatapan ng mga import na sina Pierre Henderson-Niles ng Rain or Shine at Rob Dozier ng Alaska na parehong galing sa University of Memphis.

Read more...