Trillanes kinasuhan ng plunder si Duterte dahil sa ghost employees

download (12)
NAGSAMPA si Sen. Antonio Trillanes IV ng plunder laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y mga ghost employees sa Davao City.

Sinabi ni Trillanes na batay sa report ng Commission on Audit (COA) noong isang taon, umabot sa 11,000 ang ghost employees ng lokal na pamahalaan ng Davao City sa ilalim ng termino ni Duterte bilang mayor, kung saan nakatanggap ng P708 milyon kada isang taon.
“Dito natin makikita ‘yung hypocrisy ni Mayor Duterte, na ‘yung sinasabi niya contractualization must stop… Pero kita niyo dito, ilang years na, 13 years na ‘yung mga contractuals niya, pero hindi nag-e-exist,” sabi ni Trillanes.

Idinagdag ni Trillanes na napunta umano ang pondo sa bulsa ni Duterte.

“Ito ‘yung nasa payroll binabayaran ng Davao City na napupunta sa bulsa ni Mayor Duterte na nakita natin sa kanyang mga bank accounts,” sabi ni Trillanes.
Sinabi pa ni Trillanes na walang mga job descripton ang umano’y mga ghost employees.

“Dito sa COA report ang sinasabi ng COA walang job description, mga pangalan lang. Sa sobrang nagkaroon ng culture of impunity sa Davao City dahil kaya nilang busalan lahat, brazen na yung kanilang paggawa ng anomalya,” ayon pa kay Trillanes.
Idinagdag ni Trillanes na umaasa siyang ikokonsidera ng mga botante ang kanilang pagsuporta kay Duterte.

“Mayor Duterte is a fraud. Isa siyang kurakot. Sana nga may oras pa para magbukas ang kanilang isipan (He is corrupt. If only there is still time for them to open their minds),” sabi pa ni Trillanes.
Nauna nang ibinunyag ni Trillanes ang mga lihim na bank account ni Duterte.

“Sana maliwanagan na ‘yung nga kababayan natin… Ang talo dito yung mga taga Davao. Pondo n’yo ito na napupunta sa bulsa ni Mayor Duterte,” sabi pa ni Trillanes.
Sinabi ni Trillanes na may kabuuang 17joint account si Duterte at anak na si Sara sa Bank of the Philippine Islands (BPI) branch sa Julia Vargas Avenue in Pasig City, BPI Edsa Greenhills, at Banco de Oro Unibank sa Mandaluyong City na kung saan umabot sa P2.4 bilyon ang transaksyon mula 2006 hanggang 2015. Inquirer.net

Read more...