‘Shut up’ na komento ni Daniel Padilla, nagtrending

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA

Nag-trend ang mga salitang “Shut up” sa Twitter dahil sa sinabing statement ni Daniel Padilla na kung hindi ka naman botante eh dapat ay ‘shut up’ ka na lang.

Kaliwa’t kanang batikos mula sa mga netizens at pumalo ng 75,000 tweets and counting ang mga salitang “Shut Up” sa Twitter.

“Shut up when ur not a voter stop doing concerts when ur not a singer.”

“Hi daniel padilla i suggest ur the one who should shut up” i suggest you to know the difference between your and you’re, teh”

“So Daniel Padilla is telling us to shut up ’cause we’re not registered voters yet. That doesn’t make us any less of a Filipino than him.”

Yan lang ang ilang komento tungkol sa kanya.

Sa isang interview kasi, hiningi ang kanyang mensahe para sa mga botante.

“Lahat tayo may opinion syempre, pero before tayo mag-act or may sabihin make sure na alam natin yung sinasabi natin. Wag tayong masyadong matapang. Make sure na kaya nating iback up ung sinasabi natin.”

“Hindi naman pwedeng salita tayo ng salita hindi natin alam ung sinasabi natin. Marami kasing nagmamagaling eh sa eleksyon, hindi naman botante. So shut up na, hindi ka naman botante eh. Sa lahat na lang ng mga bumuboto sana maging open-minded.”

Yan ang statement na binigay ni DJ.

Kung meron namang todo bash sa kanya ilan naman ay agree sa statement nya.

“Saying, “bobo,” “tanga,” “mukhang pera” about them are worse than his “shut up.”

“If you’re a non-voter and you’re judging a person based on who they’re voting for, yeah you should “shut up”

“Daniel padilla is right you better shut up kung nangbabash lang kau.. and vote fot your own candidate!!”

Read more...