FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco no. 1 pa rin

 

COCO MARTIN

COCO MARTIN

NANANATILING pinakapinapanood na TV network sa bansa ang ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa Pilipinas, matapos makakuha ng national average audience share na 44% sa pinagsamang urban at rural homes, base sa datos ng Kantar Media para sa buwan ng Abril.

Ito ay habang patuloy ding tinatangkilik ng sambayanang Pilipino ang mga programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanilang video streaming website na iWant TV, kung saan napapanod ng mga fans ang kani-kanilang mga paboritong programa gamit ang kanilang mga gadget, laptop, o kaya naman smartphone, kailan man nila gusto, at nasaan man sila.

Hari pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.6%) na patuloy na namamayagpag bilang numero unong programa sa buong bansa mula nang simula itong ipalabas.

Sinusundan ito ng Dolce Amore (33.4%), Pilipinas Got Talent (30.7%), Maalaala Mo Kaya (29.4%), Wansapanataym (29.1%), TV Patrol (27.5%), Home Sweetie Home (23.5%) at Rated K (21.5%).

Read more...