Dennis wala pang balak pakasalan si Jennylyn: Dapat desidido ka at sigurado ka na talaga!

jennylyn dennis

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

NGAYONG May 16 na magsisimula ang Juan Happy Love Story ng GMA na pagbibidahan nina Heart Evangelista at papa Dennis Trillo. Napaka-feel good ng vibes ng serye base na rin trailer na napanood namin. Medyo naughty at sexy ang peg ng roles ng dalawang lead stars na napaka-fresh-looking pa rin until now.

Nakorner namin sa isang tabi si papa Dennis nang pasalamatan namin siya sa pa-raffle na nai-share niya during the presscon dahil isa kami sa nanalo. Sinamantala namin siyang tanungin kung panonoorin ba niya at susuportahan ang movie ng kanyang rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado at ni John Lloyd Cruz.

“Siyempre naman. Pababayaan ba natin yan?” sey ng aktor sabay senyas ng thumbs up bilang tugon kung mamimigay siya ng perang pampanood sa mga kaibigan at mga kaanak niya bilang suporta kay Jen. Never ngang nabakante sa GMA 7 si papa Dennis kaya naman walang dudang siya na ang maaaring tawaging totoong “hari” ng network bukod pa sa katotohanang isa siya sa mga tunay na best actor ng kanyang henerasyon.

Sa Juan Happy Love Story ay may pagka-comedy naman ang role niya pero pagmamalaki ng binata, “Hindi ko pa nagagawa ang ganito kaya refreshing para sa akin. Nakakatuwa, kasi game na game rin si Heart sa mga batuhan namin ng punchlines. Sana magustuhan ng manonood.”

Naughty-playboy kuno pero medyo torpe ang role niya as Juan na mai-involve nga kay Happy (Heart) na isang seryoso ngunit may itinatago ring kapilyahan padating sa lalaki. Natanong din si Dennis sa presscon ng bago nilang serye ni Heart kung nalalapit na rin ang paglagay niya sa tahimik dahil halos lahat ng kasabayan niya ay may sari-sarili na ring pamilya.

“Hindi pa e, konting panahon pa siguro para mas maging mature pa. Kasi, seryosong bagay ang marriage, e, di ba? Kailangan desidido ka at sigurado ka,” sagot ng aktor.

At mas happy din daw siya ngayon sa kanyang buhay dahil maganda pa rin ang takbo ng kanyang career at nandiyan pa si Jennylyn na nagpapasaya sa kanya. But Dennis said, mas gusto pa rin nilang maging private kung anuman ang meron sila ngayon. “Tingin ko, kahit sino naman siguro, mas gusto na hindi masyadong pinagpipiyestahan ang mga nangyayari sa buhay-buhay nila, yung ganu’n,” chika pa ng leading man ni Heart.

Read more...