Zsa Zsa nabuking ang sikreto ni Conrad Onglao kaya biglang umurong sa kasal

zsa zsa conrad
NU’NG una pa mang pumutok ang balita na may bago nang karelasyon si Zsa Zsa Padilla ay mas nakalalamang ang nagsabing hindi magtatagal ang kanilang relasyon ng arkitektong si Conrad Onglao. Kung anu-anong kuwento kasi ang naglutangan tungkol sa lalaki, naungkat ang pakikipagrelasyon nito sa mga kilalang socialites, gagamitin lang daw ng arkitekto ang singer-actress.

Pero hindi ‘yun pinakinggan ni Zsa Zsa, nakipagsugal pa rin siya, gusto pa rin niyang patunayan nu’n na hindi siya nagkamali sa pakikipagrelasyon kay Conrad. Pero nangyari na nga ang inaalala ng malalapit sa actress-singer, naunsiyami ang plano nilang pagpapakasal sa ibang bansa, hanggang sa tuluyan nang bumalik-umuwi si Zsa Zsa sa dati nilang bahay ng yumaong Comedy King.

Aminado naman si Zsa Zsa na sinikap nilang maging matagumpay ang kanilang relasyon pero hindi ‘yun nangyari. Kung anuman ang mga totoong dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang singer-actress mismo ang magbubunyag. Pero ngayon pa lang ay marami nang kuwentong naglalabasan. Siguro raw ay natuklasan na ni Zsa Zsa ang maraming istoryang kinapapalooban ni Conrad Onglao tungkol sa mga nakarelasyon nito.

Hindi maganda ang imahe ni Architect Onglao kung ang tatanungin ay ang mga taga-alta sosyedad. Negatibo ang mga kuwentong maririnig, puro may isyu ng gamitan, ‘yun kaya ang nakaapekto sa relasyon nila ni Zsa Zsa?

Pero mas magandang hintayin na lang nating manggaling ang pagtatapat mula kay Zsa Zsa, mas magiging malinaw at eksakto ang kuwento kapag siya ang nagsalita, sa totoo lang.

Read more...