Bongbong: I’m the luckiest, I was born a Marcos

bongbong

MARAMI man ang galit dahil sa masamang naging karanasan noong panahon ng Martial Law, nanatiling proud si Sen. Bongbong Marcos na siya ay anak ng namayapang strongman na si Pangulong Ferdinand Marcos.

“I am proud to be his son and I don’t want to remove that,” ani Marcos, ang nangungunang vice presidential bet sa mga survey, at ka-tandem ni Senador Miriam Defensor-Santiago, nang makapanayam sa INQ & A ng Inquirer.net kamakalawa. Inamin niya na mahirap pa rin talagang makawala sa anino ng ama at ng kahapon.

Gayunman isa pa ring malaking asset sa kanyang pagkatao ang pagiging Marcos. “Lagi kong sinasabi I am probably the luckiest person, and it is because I was born a Marcos,” pahayag nito. Pero dahil isa siyang Marcos, kabuntot nito ang maraming kalaban.

“I don’t think any candidate has ever been elected with 100 percent votes. So all candidates have their opposition, all candidates have their supporters and I am grateful that we have more supporters than our critics.”

Pagbabalik
Hindi naging madali ang pagbalik ng mga Marcos sa pulitika matapos matalo ang kanyang ina noog 1992 presidential elections at siya nang tumakbong senador noong 1995. Pero, iba na umano ang panahon ngayon kaya nang tumakbo siya noong 2010 ay pinalad siyang maging senador.

“We stopped becoming the issue, there are times when people try to make it the issue. When we first came back in 1991, 1992 election, Marcos was an issue. It was not the issue but it became an issue. The fact that you are a Marcos is an issue and that was something that we have to work through.” Bukod sa isyu ng pagiging Marcos, ano naman kaya ang posisyon ni Marcos sa pinakamaiinit na isyu ng bayan.

Libingan
Isa sa pinakaiminit na isyu na kinakaharap ng mga Marcos ay ang pagpapalibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani, na ayon sa senador ay karapatan naman ng kanyang ama.
“We feel and I think this is supported by the rules, by law, that it is his right as a soldier to be buried in the Libingan ng mga Bayani. It is his right as a president to be buried in the Libingan ng mga Bayani and that has always been consistent,” ani Marcos.
“If that door is open we will certainly push through it.”

Leadership of partnership
Nangako naman si Marcos na kung mananalo ay makikipagtulungan siya sinuman ang maging pangulo ng bansa.

“If I am elected vice president, I hope whoever the president might be, that it will be a leadership of partnership. I think that it is very important that we establish from the very beginning a partnership amongst all the different sectors of society and the example that needs to be shown is between the president and the vice president especially of they are from separate parties.
“That has been, in fact, my message throughout this campaign beyond the programs and policies that I’d like to propose the message of the need for national unity.”

Labor Secretary
Hihilingin anya niyang mai-appoint siya sa Department of Labor and Employment upang matugunan umano ang pangangailangan ng mga manggagawa.
Nangako rin siya na makikipag-usap sa mga malalaking kompanya upang hanapan ng solusyon ang “endo “o end of contract at mabigyan ng seguridad ang trabaho ng mga ordinaryong manggagawa.
Maayos na buhay din umano ang solusyon upang mawala ang mga nagrerebelde dahil walang tao na mag-iisip na mag-aklas sa gobyerno kung maayos ang buhay nito.

Dynasty
Sinabi ni Marcos na gaya ng nakasaad sa Konstitusyon dapat magkaroon ng batas kaugnay ng political dynasty pero hindi umano otomatikong nangangahulugan na masama ito. “In terms of dynasties, it’s a natural evolution. There are people in the barangay with absolutely no interest in politics, meron namang walang ibang ginawa kung hindi mamulitika,” ani Marcos.

“This is not exclusive to the Philippines. It happens to every country.”Mayroon umanong mga dinastiya na nananatili sa puwesto dahil maganda ang kanilang ginagawa.Ayon kay Marcos ang sobrang pamumulitika sa bansa ang isa sa mga dahilan kung bakit napipigil ang pag-unlad ng Pilipinas.

BBL
Malaking isyu rin ang Bangsamoro Basic Law na nabigong maisabatas ng kasalukuyang administrasyon.
“If the BBL that were to emanate from Congress and the version we are trying to approve is eventually stricken down by the Supreme Court as unconstitutional, then what happens? Would it mean that it is the end of the road for the proponents?

“If the proponents are really bent on passing the BBL in the exact shape and form as drafted by the Palace and the MILF, then there would be no other legal recourse but to conduct a constituent assembly to study whether or not should have constitutional amendments. “This essentially burns down to having the rest of the Philippines adjust its system so that it can go inside the Bangsamoro Autonomous Region.
“The entire Philippines will change its constitution just to accommodate the Bangsamoro Autonomous Region,” sa pahayag ni Marcos sa mga naunang interview.

Anong kapalaran ng isang Marcos
Ni Joseph Greenfield

ISINILANG noong Setyembre 13, 1957, sa Maynila, ang ngayon ay 58-anyos na si Senador Bongbong Marcos. Ikalawa at kaisa-isang anak na lalaki ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos. Siya ay may zodiac sign na Virgo, may birth date na 13 o 4 (1+3=4) at may destiny number na 8. (9+13+1957=1979/ 19+79=98/ 9+8=17/ 1+7=8).

Ang zodiac sign na Virgo ay nangangahulugang habang nagkaka-edad, pagaan nang pagaan kay Marcos ang buhay, at ang dating inaakalang hadlang sa kanyang tagumpay ay tila sumasang-ayon na ngayon.
Habang tumatagal ay nauunawaan na niya ang kalagayan ng bawat sektor, at upang tuloy-tuloy siyang magtagumpay, gawin niyang palaging tapat ang paglilingkod.

Malapit sa mga tagasuporta; kung aalalayan at maalagaan niyang mabuti ang mga taong kusang naakit sa kanya, higit pa sa pinapangarap niyang tagumpay ang kanyang maabot.

Numeric Analysis:

Dahil 13 o 4 ang kanyang birth date at 8 naman ang kanyang destiny number (9+13+1957=1979/ 19+79=98/ 9+8=17/1+7=8), ang numerong 4 at 8 ang likas na magbibigay sa kanya ng kakaibang suwerte at kapalaran. Ganon din ang numerong 5 na siyang numero ng zodiac sign na Virgo.
Kung babalikan ang kasaysayan, taong 1980 sa edad na 23 siya ay nahalal at nanungkulan bilang pinakabatang gobernador ng Ilocos Norte. Pansining ang 23 ay 2+3=5.
Nahalal at naging kongresista ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte sa edad na 35 (3+5=8).
Sa edad na 40, muling nahalal na gobernador, ang 40 ay 4+0=4.
Sa edad na 53 si Marcos ay nahalal na Senador ng bansa; ang 53 ay 5+3=8.
Ang palayaw niyang Bongbong ay binubuo naman ng 8 letra.
Sa official ballot ng Comelec si Marcos ay ika-apat na kandidato sa pagka-Vice President.
At sa taong ito ng 2016 sa edad niyang 58 patungo sa edad na 59 maaaring tuluyan na siyang gantimpalaan ng magandang kapalaran.
Pansining ang edad na 58 ay 5+8=13/ 1+3 =4, habang ang edad na 59 ay 5+9=14/ 1+4=5.
Muli pansinsin ang edad niyang 59 (5+9=14/ 1+4=5) ay may sumatotal na 5, gayon din ang buwan ng Mayo ay ang ika-5 buwan ng taon, at ang destiny number ng mismong araw ng eleksyon na ay (5+9+2016=2030/ 20+30=50/ 5+0=5) may sumatotal ding 5.

Lucky Charms
Dahil siya ay Virgo, likas siyang mapalad sa panahon ng Taurus. Nagkataong ang election period at ang mismong araw ng halalan sa Mayo 2015 ay sakop ng asasakupan mismo ng “period of Taurus”.
Asul naman ang kanyang lucky color habang ang batong sapphire ang magsisilbing dagdag na pang-higop ng suwerte. Mapalad din si Marcos sa mga taong isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.

Lucky Years
Swerte sa 2016 at 2017; mapalad sa mga araw ng Linggo, Lunes at miyerkules.
Samantala hindi naman magiging mapalad sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay ang buwan ng Enero at Pebrero, lalo na sa araw ng Martes at Biyernes, kaya sa panahong ito dagdag na pagdarasal ang kailangan.

Read more...