“I am tough but it’s really difficult to just say it but what I did in the past would show that I really fight for what I think is always right.”
(Editor: Ikalawang serye ito para sa mga tumatakbong pangalawang pangulo. Una na naming nailabas si Senador Antonio Trillanes IV, at bukas o sa makalawa ay si Senador Alan Peter Cayetano, Senador Bongbong Marcos at Senador Gringo Honasan naman ang aming ilalathala. Ito ay para bigyan kayo ng dagdag na kaalaman habang kayo ay pumipili ng inyong ihahalal sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.)
TUMANGGI sa una ngunit nakumbinsi rin si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na ang gaya niya ang dapat maging susunod na ikalawang pangulo. “I have said this many times in the past, if elected I intend to redefine the office.
Kasi for a very long time we have had a succession of vice president na talagang hindi nabigyan masyado ng atensyon ‘yung office,” ayon kay Robredo nang humarap ito sa panayam ng Inquirer.net kamakailan. Naniniwala rin siya na ang kanyang pagiging abogado, at paglaban para sa mahihirap ang siyang magpapatunay na nararapat siya sa nasabing pwesto.
“I think my record as a lawyer for the poor and as a congresswoman would be able to prove it. It’s easy to say I’m tough but it’s really difficult to just say it but what I did in the past would show that I really fight for what I think is always right,” pagdidiin ng balo ng yumaong Interior Secretary Jesse Robredo.
Inspirational guide
Nais ni Robredo na gamitin ang tanggapan ng Bise Presidente bilang inspirational guide ng publiko.
“I always look at the post, siyempre partner ka ng presidente but you’re not just there to be a problem solver but you’re there to be an inspirational guide… kailangan ma-inspire mo ‘yung tao to think of themselves as part of government.
“Government is not just about public servants alone. Government and people should be working together. I am saying this because we have done this in Naga,” pahayag nito. Kung bibigyan ng pagkakataon ng pangulo, lalo na kung hindi ang ka-tandem ang maihahalal, ayaw niyang tumanggap ng Cabinet position. “If given a choice mas gusto ko sana hindi Cabinet position, so that hindi siya parang barred down by the daily admin thing. Gusto ko ayusin ‘yung lahat ng anti-poverty programs.”
Problem sa anti-poverty programs
Bagamat marami na umanong programa laban sa kahirapan, marami pa ring dapat i-improve dito.
“Ang number one dun ‘yung accessibility ng tao na maka-take part dun sa mga programa, then ‘yung bureaucratic red tape talagang grabe pa.
Halimbawa na lang sa housing bago maka-access, andaming opisina na kanilang pupuntahan, napakaraming pirma ‘yung kailangan, gusto ko sana padaliin lahat. Padaliin ‘yung tao na maka-access sa anti-poverty programs kasi bahagi naman yun ng serbisyo na deserve nila,” paliwanag ni Robredo.
Opisina sa probinsiya
Nais din niyang personal na matutukan ang mga lalawigan na napag-iwanan ng serbisyo, ngunit maraming potensiyal at pwede pang ayusin. “Hindi siguro ako ‘yung vice president na palaging nag-oopisina sa Coconut Palace, mas gusto ko yung VP na nag-oopisina sa mga probinsya hindi para mamulitika pero para paramdamin sa mga tao na yung gobyerno nandyan para sa kanila,” dagdag pa nito.
Anong kapalaran ni Leni?
Ni Joseph Greenfield
ISINILANG si Maria Leonor “Leni” Robredo noong Abril 23, 1965 sa Naga, Camarines Sur. Isang golden girl at pa-51 anyos na. Siya ay may zodiac sign na Taurus. Ang destiny number niya ay 3 dahil sa birthdate niyang 23 o 5 (2+3=5) , (4+23+1965=1992/ 19+92=111/ 11+1=12/ 1+2=3).
Dahil isang Taurus, nangangahulugan na matalas ang kanyang “common sense” at may pagkapraktikal ang diskarte sa buhay. Kaya kung hindi mamumulitika, mas magtatagumpay siya sa negosyo at pagpapayaman.
Simpleng buhay
Likas na mabait at “down-to-earth,” mananatiling smooth at maayos ang takbo ng kanyang kapalaran. Walang gaanong problema at kung siya lang ang masusunod, mas pipilin pa niya ang buhay na simple lang.
Sa kabila ng kabaitan, hindi naman siya agad na nauuto o mauutakan dahil sa taglay niyang likas na katalinuhan at pagiging makatarungan. Alam niya kung saan siya lulugar at batid din niya kung kailan dapat manindigan para sa tama at para sa kabutihan ng lahat ng kanyang nasasakupan.
Madaling mabugnot
Ang problema lang, medyo madaling mabugnot at mainis. Ito ang dapat niyang paglabanan para masiguro na magiging matagumpay at maligaya ang pamumuhay. Kung paiiralin ang pagkabugnot, ito ang magpapaguho sa kanyang magagandang pangarap sa buhay at maaari ring magpahamak sa kanyang kalusugan. Mapalad na araw para kay Robredo ang araw ng Miyerkoles, Huwebes at Biyernes.
Numeric Analysis:
Dahil 23 o 5 (2+3=5) ang kanyang birth date at may destiny number na 3 (4+23+1965=1992/ 19+92=111/ 11+1=12/ 1+2=3), ka-affinity ng numerong 3 ang number na 6 at 9.
Ibig sabihin, magkakaroon ng mahalagang pangyayari sa buhay ni Robredo ang numerong 5, 3, at 6 at ang lahat ng numero na may sumatotal na 5, 3, at 6, gayon din ang numerong 9.
Kaya naman noong Oktubre 5, 2015, naganap sa buhay ni Robredo ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanyang kapalaran. Sa kabila ng pagtutol ng mga anak para siya ay tumakbo bilang bise president, inihayag sa publiko ni Robredo na siya ang makaka-tandem ni Mar Roxas sa ilalim ng partido Liberal.
Pansinin ang numerong 5, na saktong petsa ng kanyang padedeklara, ganon din ang sumatotal ng nasabing petsa ay saktong 5 din (10+5+2015=2030/ 20+30=50/5+0=5), sa edad niyang 50; ang 50 ay 5+0=5. Bukod sa numerong 5, tulad ng nasabi na, magiging mahalagang bahagi din ng kanyang kapalaran ang numerong 3 at 6 gayon din ang 9.
Taong 1986 (19+86=105/ 10+5=15/ 1+5=6) nagtapos si Robredo sa kursong Economics sa University of the Philippines sa edad na 21; ang 21 ay 2+1=3.
Noong 1989 (19+89=108/ 10+8=18/ 1+8=9) itinatag niya ang Lakas ng Kababaihan ng Naga Federation, sa edad niyang 24; ang 24 ay 2+4=6.
Noong 2007, (20+07=27/ 2+7=9) naman ay naging coordinator siya ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligan (SALIGAN), sa edad niyang 42; ang 42 ay 4+2=6.
Noong 2013, (20+13=33/ 3+3=6) si Robredo ay nahalal bilang kongresista ng ikatlong distrito ng Camarines Sur. Landslide ito at sa edad na 48 (4+8=12/ 1+2=3).
Numerong 9 malas?
Mahalaga rin ang numerong 9 sa kanya. Noong August 18, 2012, sakay ng Piper PA 34-200 Seneca aircraft, nasawi sa plane crash ang mister na si Interior Secretary Jesse Robredo.
Sa pangyayaring nabanggit pansinin ang petsang 18 ay 1+8=9
Ang numero ng eroplanong Piper PA Seneca na 34-200 ay 34+200=234/ 23+4=27/ 2+7=9
At ng panahong iyon, si dating DILG Secretary Jesse Robredo ay may edad na 54; ang 54 ay 5+4=9
Kung saan, mapapansing ng magsama-sama ang (3) tatlong nine (9) or 999, naganap ang isang napakalaking trahedya sa kanyang kapalaran – ang biglaang pagkasawi ng kanyang asawa.
Lucky Charms:
Pamilya ang lucky charm. Hindi dapat mawala sa buhay ni Robredo ang romansa dahil sa ruling planet na Venus ng zodiac sign niyang Taurus, “love, sex at romance” ang pinakamabisang talisman, upang mas madali niyang maabot ang lahat ng ambisyon at pangarap niya sa buhay. Bukod sa love, sex at romance, mapalad din siya sa kulay na pula, gray, orange at blue, ganon din sa batong moonstone at diamond na ipapalamuti sa silver na singsing.
Lucky Years:
Mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa kanya buhay sa edad niyang 51 sa taong 2016 hanggang 2017, ganon din sa edad niyang 54 sa taong 2019 hanggang 2020, at sa taong 2025 hanggang 2026 sa edad niyang 60 pataas.
Kalusugan at iba pang mahahalagang bagay
Ang kawalan ng “love interest” at “sexual life” ang dapat iwasan, dahil sa sandaling hindi nairaraos ang libido at kasabay pa nito ay wala siyang “love interest”, mas mabilis na magde-deteriorate ang pisikal na katawan at ang aktibong isipan.
Dagdag dito, ang pagmamadali sa lahat ng ginagawa ay dapat nya ring ipatupad, dahil kapag may pagdadalawang isip at babagal-bagal sa anumang diskarteng gagawin mas malamang na ang magiging resulta nito ay kabiguan. Ugaliing maging maingat tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, higit lalo sa petsang 4, 9, 13, 18, 22 at 31, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Sabado.