PINAYAGAN ng Korte Suprema si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para magpa-dentist sa isang clinic sa Makati City.
Sa isang resolusyon, sinabi ng Kataastaasang Hukuman na maaaring magpa-iskedyul si Arroyo sa kanyang dentist na si Dr. Ranny F. Reyes.
Idinagdag ng SC na dapat namang silang abisuhan kung kailalan isasagawa ang pagbisita ni Arroyo sa kanyang dentist.
“Arroyo shall be allowed to travel from the Veterans Memorial Medical Center (VMMC) in Quezon City under proper escort not later than 11:00 in the morning of each of the four days of her dental appointment and that she shall be returned to the VMMC immediately upon completion of the procedures on each of the four days,” batay sa desisyon ng SC.
Nauna nang pinayagan si Arroyo na makaboto sa kanyang bayan sa Lubao, Pampanga sa Mayo 9.
SC pinayagan si GMA na magpa-dentist sa isang clinic sa Makati
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...