Honasan: May pagpapahalaga sa katapatan

honasan

SI Sen. Gregorio Ballesteros Honasan II, na mas kilala bilang Sen. Gringo Honasan ay ipinanganak noong Marso 14, 1948.
Retiradong opisyal ng Army si Honasan.
Malaki ang kanyang naging papel sa 1986
EDSA Revolution na nagpabagsak kay dating pangulong Ferdinand Marcos.
Pinamunuan din ni Honasan ang mga serye ng coup d’ etat laban sa administrasyon noon ni yumaong dating Pangulong Corazon Aquino.
Binigyan si Honasan ng amnestiya ni dating pangulong Fidel Ramos matapos maupo sa pagkapangulo noong 1992.
Pumasok si Honasan sa politika at naging senador mula 1995 hanggang 2004 at muling umupo bilang senador simula 2007.
Isang decorated na sundalo, charismatic rebel leader at apat na beses nang nahalal bilang senador, ang ngayon ay nahaharap sa malaking laban, lalo pa’t parati siyang nasa hulihan sa mga survey.
Pero, sa kanyang mga kaibigan, balewala ito kung matalo si Honasan dahil may babalikan pa rin namang pwesto siya.
Alam naman ng marami na ayaw talagang tumakbo ni Honasan. Pero dahil isa nga siyang mabuting sundalo, malaki ang pagpapahalaga sa values ng isang man in uniform: honor at loyalty.
Tumatakbo siyang bise presidente bilang ka-tandem ni Vice Presidente Jejomar Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Narito ang ilan sa mga plataporma ni Honasan kaugnay ng iba’t ibang isyu na nakakaapekto sa bansa.

Kahirapan at peace and order
Naniniwala si Honasan na ang kahirapan ang siyang pinakamalaking banta sa peace and order, at gaya nang kanyang ka-tandem na si Binay, ito ang bibigyang pokus nila sa sandaling mahalal sa darating na Lunes.
“Nobody is safe anymore. That’s my take. But to me, crime is not the problem. The idea of crime is the problem. Sino ba ang gustong maging kriminal? Given a choice, bigyan ka ng trabaho, assuming hindi ka tamad, sino ang gustong maging rebelde, maging terrorist?,” pahayag ni Honasan.
“Unfortunately, because of poverty, crime has become a lucrative idea,” dagdag pa nito.

Edukasyon
Isa anyang paraan para labanan ang kahirapan ay ang pagtutok sa edukasyon. Naniniwala siya na tama lang naipatupad ang K to 12, pero dapat ding pagtuunan ng pamahalaan ang malnutrisyon, libreng pagkain sa mga mag-aaral sa pampublikong eskwelahan.

OFWs
Dapat maglaan ang pamahalaan ng dagdag na trabaho para sa kanyang mamamayan para hindi na maengganyo ang mga ito na lumabas ng bansa at doon humanap ng mas magandang oportunidad.
Pero yung mga nagtatrabaho sa abroad ay dapat bigyan ng karampatang proteksyon ng pamahalaan sa panahon ng krisis o kung may problema sila sa kanilang hanapbuhay.

Peace process
At dahil kilalang sundalo si Honasan bago pa pasukin ang politika, isa sa mga isinusulong niya ay ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Isa anya sa isusulong niya sakaling palarin sa darating na halalan ay ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Author din siya nang nabasurang Bangsamoro Basic Law, at naniniwala siya na dapat itong isulong ng susunod na administrasyon.“We must commit ourselves to the fundamentals of the peace process and we must recognize right to life, basic services, food, clothing, shelter, education, health services. That will solve or begin to solve the problem,” ayon sa senador.

Terorismo
“I hope our government, including our future leaders, as the campaign nears its end to give way to the May 9 elections, will eventually make a clear stand on how we should address problems like the Abu Sayyaf,” nang matanong kung anong dapat gawin ng pamahalaan laban sa terorismo.

Anong naghihintay na kapalaran kay Gringo?
Ni Joseph Greenfield

SI Senador Gregorio “Gringo” Honasan ay ang runningmate ni Vice President Jejomar Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance. Huli man parati sa survey, hindi pa rin nawawalan ng loob si Honasan dahil ang tunay na laban ay mangyayari pa lang sa Lunes.

Pero ano nga bang kapalaran ang naghihintay sa senador na sinasabing “reluctant” na tumakbo sa pagkabise-presidente noon pa man. Isinilang noong Marso 14, 1948 sa Baguio City. Siya ay 67-anyos. Siya ay may zodiac sign na Pisces, sa birth date na 14 o 5 (1+4=5) sa destiny number na 3, (3+14+1948=1965/ 19+65=84/ 8+4=12/ 1+2=3).

Ang zodiac sign na Pisces ay nangangahulugang may kaguluhan ng pag-iisip. Hindi lang kaguluhan ng iniisip, kundi dahil sa sobrang iniisip, kasama na ang maraming magagandang ideya, hindi niya tuloy malaman kung ano ang uunahin at hindi lang kaguluhan ng iniisip, bagkus, dahil sa sobrang daming iniisip o magagandang idea na pumapasok sa kanyang utak, hindi tuloy niya malaman kung ano ang dapat na unahing gawin.

Subalit kung pagtutuunan ng panahon at enerhiya sa isang solidong layunin, mas madali niyang mapipitas ang mas marami pang swerte at mga pagtatagumpay sa buhay. Dahil sumisimbolo sa isda ang Zodiac sign na Pisces, kung kayat saan-saan siya ipapadpad ng kapalaran. At dahil kung saan siya ayain ay doon siya sumasama, kaya lalong nawawalan siya ng “focus”.

Mainam na gawin ay maglakbay sapagkat sa paglalakbay sa ibat-ibang lugar, kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay, doon niya matatagpauan ang tunay na kaligayahan. Sa pamamalakad sa bayan, sadyang magiging sobrang bagal ang kanyang magiging aksyon, dahil naniniwala siyang hindi dapat madaliin ang mga bagay-bagay.

At dahil sa sobrang kabagalan, aakalain ng kanyang mga nasasakupan na hindi naman siya talaga umaaksyon sa bawat problemang sa kanya ay idinudulog. Mapalad na araw para kay Honasan ay ang araw ng Linggo, Lunes at Miyerkules. Habang ang suwerte naman niyang buwan ay Pebrero, Hunyo at Hulyo.

Numeric Analysis:
Dahil 3 ang kanyang destiny number sadyang magiging mapalad siya sa numero na kung tawagin ay series of 3-6-9.
Kung babalikan ang taong 1986 matatandaang isa si Honasan sa mga pangunahing leader na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos at naging pangunahing instrumento ng
EDSA Revolution I.

Mapapansing ang 1986 ay may destiny number na 6 (19+86=105/ 10+5=15/ 1+5=6), kaya naman sa panahong ito si Honasan ay nagsimulang suwertehin, nakilala at sumikat.

Taoong 1992 ay binigyan naman siya ng amnesty ni dating Pangulong Fidel Ramos bunsod ng coup d’etat na pinangunahan nito laban sa administrasyon ng yumaong Pangulong Aquino. Ang 1992 ay may sumatotal na 3 (19+92=111/ 11+1=12/ 1+2=3).

Taong 1995 ng unang kumandidatong senador si Honasan, at ang 1995 ay may sumatotal na 6 (1995/ 19+95=114/ 11+4=15/ 1+5=6). Kung saan, sa nasabing eleksyon, siya ang naging ika-9 sa magic 12.
Grumadweyt naman si Honasan noong 1971 kasabay nito, siya ay naging kasapi ng Philippines Army’s special forces, Scout Ranger Regiment. At ang taong 1971 ay may sumatotal ding 9 (19+71=90/ 9+0=9).
Dahil dito, swerte nga ang 3, 6 at 9 sa kanya.

Lucky Charm
Bukod sa mga armas na pandigma bilang pang-display, mapalad din si Honasan tuwing masusugatan, dahil ang kulay ng dugo na “pula” ay likas na magiging suwerte sa kanya.
Swerte rin siya sa batong bloodstone, beryl, at opal na ipapalamuti sa silver na alahas.

Lucky Years
Likas siyang papalarin sa taong 2016, dahil ang 2016 ay may suma-total na 9 (20+16=36/ 3+6=9) na nangangahulugang kahit siya ay matalong Vice President tiyak na marami pa ring mga suwerte at magagandang kapalarang kusang darating sa kanyang buhay. Bukod sa taong 2016 mapalad din siya sa taong 2019 at 2022.

Kalusugan at iba pa
Sadyang hindi magiging maganda sa kalusugan at sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay ang buwan ng Agosto at Disyembre ganon din ang petsa o numerong 1, 7, 11, 22 at 28. Kaya dapat ipatupad ni Honasan ang “extra-careful” na pag-iingat.

SLAM BOOK

Name: Gregorio B. Honasan
Birthdate: March 14, 1948
Birth place: Baguio City
Current location: Domestic airport

Movies: Gladiator, Terminator, Braveheart, The Wind and the Lion
Songs: Ngayong Gabi, Liwanag by Kai Honasan
Actors/ Actresses: Jack Nicholson, Meryl Streep, Billy Crystal

Shows: Eat Bulaga

Books: The Art of Worldly Wisdom by Balthazar Gracian; The Art of War by Sun Tzu

Gadgets: Bike, pocket knife, snap link
Shoes: Comfortable running and walking shoes

Sports/Games: Boxing, martial arts
Food/ drink: Water
Vacation spots: Sorsogon Bay, Boracay

Biggest strengths: Faith, hope and love

Fears: To disappoint God, country and family

Most overused phrase: Kumain ka na ba? Kayo na ba?

Most missed memory: Good times with father, brothers
and family

Screen crush: Elizabeth Taylor

Perfect girl/s: My wife, daughters

Love is: Forever, timeless, God, country, family

Message to your fans and supporters:

The Philippines is a beautiful country. Filipinos are wonderful people. Our most precious treasures are our children: the new generation, citizens and leaders. Let’s all continue to work and pray hard for unity, peace and better future for our children.

Read more...