#overambitious, #aminin at #walangforever, hashtag ni Miriam para sa mga kalaribal

miriam2
BINIGYAN ni Sen. Miriam Santiago ng kani-kanyang hashtag ang kanyang mga karibal sa darating na pampanguluhang eleksiyon sa Lunes mula sa #overambitious, #aminin at #walangforever.
Sa isang panayam sa Meet Inquirer Multimedia forum, tinawag ni Miriam si Sen Grace Poe na “#Overambitious.”

Ang hashtag na “#walangforever” naman ang ibinigay ni Miriam kay Vice President Jejomar Binay.
Pinili naman ni Miriam ang hashtag na “#aminin” para kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa harap ng alegasyon kaugnay ng ill-gotten wealth.
Hindi rin nakaligtas si Pangulong Aquino sa mga hashtag ni Miriam kung saan pinili ng senador ang “#sakitsaheadache.”

May hashtag din si Miriam para sa kanyang karibal na si dating pangulong Fidel V. Ramos, na “#wagkangmayabang.”
Ang hashtag naman na “#lifeisbeautiful” ang ibinigay ni Miriam sa University of the Philippines (UP).
Samantala, ang hashtag na “#pushpamore,” naman ang ibinigay ni Miriam sa mga death threat laban sa kanya.

Read more...