Senatorial lineup ng INC kumpleto na

inc
Kinumpleto na ng Iglesia Ni Cristo, kilala sa kanilang bloc voting, ang listahan ng mga susuportahan nilang kandidato na tumatakbo sa pagkasenador.
Ayon sa isang source, pasok sa listahan sina Leyte Rep. Martin Romualdez, dating Technical Education Skills Development Authority Secretary General Joel Villanueva, dating Metro Manila Development Authority chairman Francis Tolentino, Sarangani Rep. Manny Pacquiao, Sen. Franklin Drilon, Sen. Ralph Recto, Sen. Tito Sotto, Sen. TG Guingona III, Sen. Serge Osmena III, ex-Sen. Panfilo Lacson, ex-Sen. Juan Miguel Zubiri, at Valenzuela City Rep. Win Gatchalian.
Hindi naman umano nagbago ang isip ng INC na suportahan si Sen. Bongbong Marcos sa pagkabise presidente kahit pa binisita ni Pangulong Aquino si INC Executive Minister Eduardo Manalo.
Ayon sa mga ulat, inilalakad ni Aquino si Camarines Sur Rep. Leni Robredo upang suportahan ng INC na tinatayang may 1.7 milyong boto.
Sa pagkapangulo ay malaki umano ang posibilidad na ibigay ng INC ang kanilang suporta kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakalalamang umano kay Sen. Grace Poe.
Inilakad din umano ni Aquino ang kanyang kandidato na si Mar Roxas.

Read more...