Miriam: Mga kalaban ko di qualified maging presidente

miriam2
Kung hindi tumakbo, walang nakikita si Sen. Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga kalaban na kuwalipikadong maging pangulo ng bansa.
“Wala,” sagot ni Santiago ng tanungin kung hindi siya tumakbo sino sa palagay niya ang dapat na maging pangulo ng bansa.
Kung mayroon umanong dapat na maging pangulo ng bansa pero hindi naman tumatakbo ito ay ang mga katulad ng constitutionalist na si Joaquin Bernas.
Ipinagtanggol naman ni Santiago ang pagpili niya kay Sen. Bongbong Marcos bilang running mate.
“I believe he has the intellectual competence to become a lawyer but he did not continue his law studies…. at least he was exposed to Oxford (University) exposure is better than nothing,” ani Santiago sa Meet the Inquirer Multimedia kahapon.
Hindi rin umano dapat ipasa kay Marcos ang kasalanan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“I don’t think that the sins of the father should be vested to the children,” ani Santiago. “He was a competent senator…. I think that he is right to become a vice president.”
Inamin naman ni Santiago na nahuli siya sa paghahanap ng running mate dahil sa sakit niyang kanser.
“No. 1 I chose to run on a pretty late date for a presidential candidate because I was faced with a diagnosis for terminal cancer stage 4, so I asked myself ‘what do I want to do before I die? I said maybe I’ll offer myself to the Filipino people,” dagdag pa ng senadora.

Read more...