Heart, Chiz balak mag-honeymoon pagkatapos ng eleksiyon

Heart Evangelista at Sen.Chiz Escudero

Heart Evangelista at Sen.Chiz Escudero

ILANG  araw na lang bago ang eleksyon, at ang promise raw ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang misis na si Heart Evangelista, babawi raw siya rito after ng halalan. Talaga naman kasing napaka-busy ng mag-asawa dahil halos walang pahinga everyday ang mga ito dahil tuluy-tuloy ang pangangampanya. Kahit nga si Heart, na abala rin sa taping ng Juan Happy Love Story nila ni Dennis Trillo ay pilit pinagkakasya sa schedule ang taping at campaign sorties.

Sobrang na-appreciate naman daw ito ni Chiz kaya nga sumulat ito sa kayang wifey at nangakong mas magiging sweet pa sa mga darating na araw. “I, Chiz Escudero, promise to be sweeter, gentler, touchier and more loving to my wife Heart than I have ever been before in my life. So help me God,” nakasaad sa sulat ng senador sa kanyang misis na ipinost naman ni Heart sa kanyang Instagram account.

“Few more days, Babe. I’ll just have to miss you a bit more. #luckiestgirl #SayChiz,” sagot naman ng aktres sa caption ng IG post. Kwento ni Heart, updated naman daw sila sa mga nangyayari sa isa’t isa, “Siyempre, miss na miss namin ang isa’t isa, minsan nagpapadala kami ng picture kung nasaan na kami,” say ng Kapamilya leading lady.

Well, for sure naman ay babawi talaga si Sen. Chiz kay Heart at malay natin mag-honeymoon na rin ang dalawa after ng eleksyon at trabahuhin na nila ang pagkakaroon ng baby dahil sey nga ni Heart, handang-handa na rin siyang maging mommy dahil praktisado na siya sa kambal ni Chiz.

Samantala, magsisimula na ang Juan Happy Love Story sa May 16 sa GMA Telebabad sa direksyon ni LA Madridejos. Kasama rin dito sina Gloria Romero, Gardo Versoza, Joross Gamboa, Kim Domingo, Dominic Roco, Lotlot de Leon at marami pang iba. In fairness, sa trailer pa lang ng Juan Happy Love Story aliw na aliw na ang press dahil sa mga bagong pasabog nina Heart at Dennis bilang mag-asawang dadaan sa samu’t saring problema at challenges.

Read more...