Eleksiyon 2016: Personalan na ang laban, tuloy sa demandahan

 

Jason Francisco at Melai Cantiveros

Jason Francisco at Melai Cantiveros

PALALA na nang palala ang bangayan ngayon hindi lang ng mga kumakandidatong pulitiko kundi pati na rin ng kanilang mga tagasuporta. Personalan na ang laban, sobrang nakakapanakit na, kaya nagkakaroon na rin ng mga banta ng demandahan.

Ngayon lang naging ganito ang sitwasyon sa larangan ng pulitika at isa sa mga dahilan kung bakit ay ang kapangyarihan ng social media. Kahit sino na lang ay puwedeng mag-post ng mga salitang hindi kalunuk-lunok, pero nagtatago lang naman sila sa kapiranggot na retrato at pangalang ni hindi mo nga alam kung totoo o baka imbento lang, kaya napakagulo ng mundo ng pulitika ngayon.

Umalma na si Melai Cantiveros na tagasuporta ni Secretary Mar Roxas, karapatan nilang iendorso ang pulitikong gusto nila ni Jason Francisco, pero ano ang ibinalik sa kanila ng isang tagasuporta ni Mayor Digong Duterte?

Sangkot ang kanilang anak na babae sa pamemersonal ng maka-Duterte, sana raw ay ma-rape ang kanilang supling, pati batang walang kamalayan sa mga nangyayari ay kinakaladkad sa usapin.
Pagkatapos ng eleksiyon sa darating na Lunes, sinuman ang palaring manalo ay tapos na ang laban, balik na naman sa normal ang ating kapaligiran.

Pagkatapos ng lahat ay iisang bansa pa rin ang pumapayong sa atin, mga Pilipino pa rin tayo, hindi tayo puwedeng magpalit ng mga dokumento para maging banyaga tayo. Think before you click. Gasgas na ang linyang ito pero parang wala naman yatang nakikinig at sumusunod.

Read more...