SC pinayagan si GMA na makaboto sa kanyang bayan sa Pampanga

gma2
PINAYAGAN ng Korte Suprema si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makaboto sa kanyang bayan sa Lubao, Pampanga sa Mayo 9.

Inaprubahan ng SC na makaalis si Arroyo ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ganap na alas-7 ng umaga papuntang Lubao, bagamat kailangang makabalik pagkatapos na makaboto.
Naka-hospital arrest si Arroyo, 68 sa VMMC kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCOO) mula 2010 hanggang 2010.
Nauna nang ipinagpaliban ng Korte Suprema ang pagdinig sa plunder laban kay Arroyo.

Read more...