Banta ni Duterte na magsusunog ng bandila ng Singapore joke lang?

rodrigo duterte
SINABI ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na biro lamang ang naunang pahayag ng alkalde na magsusunog siya ng bandila ng Singapore.
Sa isang post sa kanyang Facebook, sinabi ni Peter Tiu Laviña, spokesman ni Duterte na hindi seryoso ang mayor sa ginawang pahayag.
Matatandaang sinabi ng Singaporean Embassy na ikinukonsidera na nito ang ligal na aksiyon laban sa mga tagasuporta ni Duterte na nagsabing iniendorso ng Singaporean Primi Minister ang kandidaura ni Duterte.

“How can a self-respecting country react to such trivial matter and calling for investigation? Now, it has tasted its own dose of medicine when Duterte retorted jokingly that he will burn the Singaporean flag again. It’s a tit-for-tat. Only the onion-skinned would actually be affected,” giit ni Lavina.
Sa kanyang pangangampanya sa Daet, Camarines Norte, nagbanta si Duterte susunugin ang bandila ng Singapore.

Read more...