Handa na nga ba ang Pilipino para sa pamamahala ng isang Rodrigo Duterte, ang mayor ng Davao City?
Kung ang presidential candidate na si Sen. Miriam Defensor Santiago ang tatanungin hindi pa.
“I don’t think so,” ani Santiago ng tanungin sa kanyang pagbisita sa Meet the Inquirer Multimedia kahapon ng umaga.
Sinabi ni Santiago na kung pagbabatayan ang kanyang mga pahayag ay masasabi na hindi niya kinikilala ang batas.
“Some of his statements make us doubt his allegiance to the rule of law, his a lawyer himself,” ani Santiago.
Ayon kay Santiago kahit na mali ang ginagawa ni Duterte ay tinitignan ito ng publiko na tama.
“Merong mga (naniniwalang) bayani siya kasi kaagad ay susuntukin niya yung kalaban niya. Alam naman nating mali ‘yon, pero wala tayong legal literacy kasi. Di man lamang natin alam anong tinatawag na rule of law. Ano yan ruler? We don’t have enough respect for the rule of law in this country.” dagdag pa ni Santiago.
Sinabi ni Santiago na dapat malaman ng publiko ang batas para malaman nila ang tama sa mali.
Dagdag pa ng senadora tama ang ginagawa ng mga madre na magdasal upang magkaroon ng kaliwanagan ang isip ng mga botante.
Naniniwala naman si Santiago na hindi ipagdarasal ng mga madre na matalo si Duterte.
“I don’t think they will do that; they never choose sides. They only pray for discernment, the power from spiritual sources to distinguish between right and wrong,” dagdag pa nito.
Pilipinas hindi pa handa kay Duterte-Miriam
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...