Nagbigay na ng waiver ang presidential candidate na si Sen. Grace Poe upang mabuksan ang kanyang mga bank account.
Sinabi ni Poe na wala siyang itinatagong nakaw na yaman at handa siya na buksan ng Office of the Ombudsman ang kanyang mga bank account.
“I hereby authorize the Ombudsman to look into my bank accounts, if she finds just cause, thereby waving my right of confidentiality under the bank secrecy law in favor of the Ombudsman, for the duration of my candidacy for President,” saad ng waive ni Poe.
Sinabi ni Poe na saklaw ng pinirmahan niyang waiver ang panahon ng pumasok siya sa gobyerno. Una siyang naging chairman ng Movie and Television Review and Classification Board.
Ayon sa senadora ang kanyang pagpirma ay alinsunod sa itinataguyod niyang ‘transparency and accountability’ sa mga transaksyon ng gobyerno.
“This is in line with the landmark principle enshrined in the 1987 Constitution that public office is a public trust.
Poe pumirma ng waiver ng bank secrecy law
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...