Duterte dapat sumunod sa payo ni Cayetano

duterte1
Dapat umanong sundin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang sinabi ng kanyang running mate na si Sen. Alan Peter Cayetano— pumirma ng waiver kung walang itinatago.
Ayon sa presidential candidate ng administrasyon na si Mar Roxas naduduwag ngayon si Duterte kaya kung anu-anong legalidad ang ginagamit nito upang hindi mabuksan ang kanyang bank account na naglaman umano ng bilyon-bilyong piso.
“At ito ang totoo, kaduwagan ang ginawa ni Mayor Duterte sa araw na ito. Mayor Duterte, bakit ayaw mong harapin ang katotohanan? Bakit itinatago mo ang katotohanan?” tanong ni Roxas.
Sinabi ni Roxas na naghamon si Cayetano sa ibang pang kandidato na pumirma ng waiver at sinabi nito: “If the candidates have nothing to hide, they’ll have no problem signing the waiver document. But if they refuse to sign, they not only betrayed their sincerity in fighting corruption, but also puts to serious question how much they have accumulated and the source of their wealth.”
“Alam n’yo po kung sinong nagsabi no’n? Ang kanyang sariling running mate, Senator Alan Peter Cayetano. Sariling running mate na niya ang nagsabi no’n. Kaya napakalaki po ng agwat, sa salita, sa pakitang-tao, sa propaganda kumpara doon sa konkretong ginagawa nila,” dagdag pa ni Roxas.
Sa ginagawa ni Duterte ngayon, lumalabas na may itinatago umano ito.
“Naghamon ka noon, dapat hayag, dapat ipakita ang buong katotohanan. Everyone should sign a waiver. Ngayon, kung kailan sinusubukan ang katatagan ng iyong salita, umiiwas ka, umaatras ka, kung ano-anong mga legalan ang ihahain mo.”

Read more...