Jennylyn jackpot sa lalaki; susunod na target si Piolo Pascual

 

BONGGA talagang mag-interview at magtanong si Kuya Boy Abunda.

Aba’y parang inamin na rin ni Jennylyn Mercado na hindi nga siya single sa ngayon dahil nang batuhin siya ng question na kung sakaling single siya ay posible ba siyang ma-fall sa isang John LLoyd Cruz, ang sagot ni Jen, “Sino ba naman ang hindi?”

Then nagtuloy-tuloy ang emote ng panayam sa pagpili between John Lloyd and Jericho Rosales, si Lloydie ang pinili ng aktres. Pero nang tanungin kung sino kina John Lloyd at Dennis Trillo ang pipiliin niya, isang malakas na tawa lang ang pinakawalan ng lead star ng pelikulang “Just The 3 of Us.”

Target ni Jen na makasama sa susunod niyang project sa Star Cinema si papa Piolo Pascual.
If that happens, tatalbugan nga ni Jen ang lahat ng prime leading ladies ngayon sa bansa dahil lahat na yata ng mga sikat at de-kalibreng leading men sa henerasyong ito ay nakatrabaho na niya, di ba kapatid na Ervin?

 

Read more...