Mikael puring-puri si Regine, hanep daw ang timing sa comedy

mikael daez

TUWANG-TUWA si Mikael Daez sa mga ibinibigay sa kanyang proyekto ng Kapuso Network dahil mas nahahasa daw siya bilang isang artista at nasusubukan niya ang iba’t ibang genre.

Enjoy na enjoy si Mikael sa serye nilang Poor Señorita na napapanood sa GMA Telebabad, siya ang leading man dito ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. “Opportunity ito na magpakita ng range, ng versatility, and at the same time ay mag-experiment sa sarili ko. Kung kaya ko ba ‘to? Hanggang saan ko ba kayang dalhin ‘yung character na ganito sa bawat genre?

“Kaya I’m very happy to be given quality roles by the Network and I make sure na I give my all to be worthy of their trust,” chika pa ni Mikael na puring-puri rin si Regine Velasquez sa galing ng timing nito sa comedy bukod pa sa pagiging super professional nito. Napapanood ang Poor Señorita mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Read more...