Angelica lucky charm ng Ateneo Lady Eagles sa volleyball; mas masahol pa sa cheerleader | Bandera

Angelica lucky charm ng Ateneo Lady Eagles sa volleyball; mas masahol pa sa cheerleader

Ambet Nabus |May 01,2016
facebook
share this

Angelica lucky charm ng Ateneo Lady Eagles sa volleyball; mas masahol pa sa cheerleader

Ambet Nabus - May 01, 2016 - 02:00 AM

john prats

TUWANG-TUWA ang mga supporter ng Lady Eagles volleyball team dahil muli nilang napatunayan na ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang isa sa kanilang mga “good luck charm”.

Naitabla kasi sa 1-1 ng Ateneo Lady Eagles ang kartada nila laban sa La Salle Lady Archers kaya’t happening ngayon ang game 3 at kung sino ang mananalo sa next match ang siyang tatanghaling champion sa UAAP Women’s Volleyball.

“Hugot Queen” pa ang tawag ng mga supporters sa aktres-TV host na talaga namang halos maglupasay sa tuwa habang nagtsi-cheer for Ateneo. Kahit nga raw halos mawala na ang poise nito eh gow pa rin si Angelica sa pagsigaw at pagkantiyaw na para bang noon lang nai-rilis ang anumang matagal na nitong kinikimkim lalo na kapag “tusok na tusok” ang mga spike ng paborito niyang player na si Alyssa Valdez.

Samantala, isa sa mga male best friends ni Angelica sa showbiz ay si John Prats na may isang wish ngayon para sa kanya – ang mahanap na finally ang magiging partner niya for life. “Nakikita ko sa kanya na iyon na lang ang kulang sa buhay niya. Mabait kasi na tao iyon eh.

At saka nu’ng sinabi ko na buntis iyung wife ko, hindi raw niya alam kung masaya siya o malungkot siya. Alam mo na iyon ang gusto niyang mapuntahan,” sabi ni John in one interview. Dagdag pa ni Pratty, “Lagi ko naman sinasabi sa kanya na I’m always here.

Iyong love ko naman para sa kanya ay unconditional. Basta ako lang, sa sarili ko lang, lagi akong nagdadasal for her happiness.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending