Pakiusap ng AlDub nation sa ‘Bulaga’: Bigyan ng babaeng bodyguard si Maine

May suggestion ang isang fan sa namumuno ng Eat Bulaga. Since nahipuan si Maine Something sa recent segment nito at tila hindi yata nahuli ang salarin ay bakit hindi na lang daw mga babae ang kuning bodyguards para sa kanya.

Ang say ng fan, kung girl ang security ni Maine ay hindi siya basta-basta mahihipuan at mayayakap siya ng female bodyguards kapag merong magtangkang gumawa ng hindi maganda sa kanya. It makes sense, ha.

Kung mga lalaki nga naman ang bodyguards ay limitado ang mga kilos nito dahil babae si Maine. Mahirap na, baka sila pa ang maakusahan na nambabastos kay Maine, ‘di ba?

Read more...