Aura batang Roderick Paulate…mas magaling kay Onyok sa ‘Probinsyano’

coco martin

Trulili ba bossing Ervin na natabunan na ni Aura ang paborito naming si Onyok sa FPJ’s Ang Probinsyano? Inamin ng ilang katoto na aliw na aliw sila kay Aura dahil ang galing daw nitong umarte bilang lalaki na talagang hindi mo mapagkakamalang bading pala.

At mas lalo namang nakakatuwang panoorin kapag inilalabas na niya ang tunay niyang katauhan. Para nga raw batang Roderick Paulate ang bagets. Ilang gabi na kasi naming hindi napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi kami maka-relate sa kuwentuhan. Hindi naman kami makapapayag na masabing mas magaling si Aura kaysa kay Onyok, ‘no? He-hehehe!

Samantala, isa si Jake Cuenca sa special guest sa Ang Probinsyano at aminado ang aktor na masaya siyang muling makakasama si Coco dahil huli silang nagsama sa seryeng Ikaw Lamang noong 2014.
Gagampanan ni Jake ang papel na Jonas na rebeldeng anak na sangkot sa sindikato ng droga. Si Jonas naman ngayon ang target ni Cardo kaya kaabang-abang din ang kanilang mga eksena.

Read more...