HINAMON ng Malacanang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na harapin nito ang lahat ng alegasyon laban sa kanya, kasama na rito ang sinasabing undeclared millions of pesos na nasa kanyang mga account.
“Ito ay isang bagay na kailangan harapin ng magiting na Mayor Duterte,” pahayag ni Communications Undersecretary Manuel Quezon III sa isang interview sa dzRB radio.
Ayon kay Quezon, ang mga isyu tungkol sa pera, lalo pa’t ang nasasangkot ay mga opisyal ng gobyerno ay kailangan seryosohin.
“The people are confused because as we can see in the past days, the good mayor’s version of the story changes from day to day,” dagdag pa nito.
Una nang ibinandera ni Sen. Antonio Trillanes IV na merong mahigit P200 milyon si Duterte sa Bank of the Philippine Islands (BPI) account sa Julia Vargas, Pasig City, branch.
Sa una ay itinanggi ni Duterte na wala siyang accounts sa BPI sa Julia Vargas pero sa bandang huli ay inamin rin ito.
Sinabi rin nito na tanging P17,000 hanggang P50,000 lang ang laman nito pero sa dakong huli ay sinabing may laman ito nang kulang-kulang P200 milyon.
“First, he said there was no account, then he said there’s one but it has little money. Later he said there’s an account that contains millions but not amounting to P200 million,” pahayag pa ni Quezon. “Pang-happy-happy lang naman daw.”