Duterte: Malacanang utak ng demolition job, Trillanes ‘pawn’

NANINIWALA si Davao City mayor Rodrigo Duterte at ang kampo nito na pakana ng Malacanang ang umano’y demoliton job na inilunsad laban sa nangungunang presidential bet.

“(Senator Antonio) Trillanes is but a pawn. The brain behind is Malacañang,” ayon kay Leoncio Evasco Jr., campaign manager ni Duterte.

Dagdag pa ni Evasco na desperado umano ang Malacanang na harangin ang tagumpay ni Duterte sa Mayo 9.

“It is desperately trying to save the candidacy of Mar Roxas and is poised to employ all means, including massive cheating, to maintain the status quo,” dagdag pa nito.

Biyernes ng gabi nang ilabas ng Pulse Asia- ABS-CBN ang huling survey na nagpapakita na malaki pa rin ang lamang ni Duterte sa pumapangalawang si Senador Grace Poe.

 

Read more...