‘Magandang Buhay’ patok sa mga ‘momshie’ | Bandera

‘Magandang Buhay’ patok sa mga ‘momshie’

Ervin Santiago |May 01,2016
facebook
share this

‘Magandang Buhay’ patok sa mga ‘momshie’

Ervin Santiago - May 01, 2016 - 02:00 AM

karla estrada

Pinakabagong morning habit na ng sambayanan ang pakikipag-bonding at pakikipag-chikahan sa paboritong momshies sa umaga na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal-Escueta sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Hitik na hitik ito sa impormasyon, aral, at aliw kaya naman top trending topic ito araw araw sa social media. “Sobrang saya namin na trending kami lagi at madami natutuwa sa amin. At least nae-enjoy nila ang aming show.

Iyon naman ang gusto namin, ang mag-enjoy sila, maka-relate sila at makapulot sila ng aral,” sabi ni Melai. Mas dumadami na rin ang tumututok dito nationwide kaya paganda nang paganda rin ang ratings nito ayon sa Kantar Media.

Umani rin ng papuri mula sa entertainment press ang husay sa pag-host nina Karla, Melai, at Jolina na first time nagkaroon ng sarili nilang morning talk show. Kapansin-pansin ang magandang chemistry nila dala na rin ng pagiging real-life close friends nila.

“Yung chemistry kasi hindi nawoworkshop yun kaya importante sa amin yung tatlo. Magkakaibigan din kasi kami talaga kaya kusang lumalabas,” pagbabahagi ni Karla. “Iyon naman ang isa sa ipinagmamalaki namin bago pa ang show, ang genuine na talaga ng pagsasama namin.

Hindi na namin kailangan mag-team building pa. Kaya naman sobrang gamay na naming agad ang isa’t isa,” paliwanag naman ni Jolina. Tinatalakay sa Magandang Buhay ang iba’t ibang usapang pamilya at kwento ng mga ordinaryong indibidwal maging ng celebrities para magbigay ng inspirasyon sa mga manonood at mahimok itong ipagdiwang at ipagpasalamat ano man ang mayroon sila sa buhay.

Makisaya na sa pinakabagong kachikahan sa umaga ang Magandang Buhay, Lunes hanggang Biyernes, 7:30 a.m. sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending