Horoscope, May 01, 2016 | Bandera

Horoscope, May 01, 2016

Madam Sophia |May 01,2016
facebook
share this

Horoscope, May 01, 2016

Madam Sophia - May 01, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: A-Uno na at nagkataong Holiday pa! Matapos magsimba sa Our Lady of Manaoag, mag-painom ka naman, kahit manggang’t bagoong lang ang pulutan. Sa ganyang paraan tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 4, 8, 11, 17, 24 at 40. Mahiwag among mantra: “Agla-Aum-Aum”. Yellow at blue buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa buwang ito ng Mayo iwasan ang mga taong mainitin ang ulo upang hindi masira ang araw mo. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na tahimik at mahusay magdala ng damit. Mapalad ang 7, 11, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.” White at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Ipagpatuloy ang regular na page-ehersisyo. Sa ganyang paraan, lalo kang gaganda at se-sexy. Sa pag-ibig, masarap na romansa ang magpapalakas ng immune system at magdadala ng maraming suwerte. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Ngayon pa lang paghandaan na ang nalalapit na kaarawan! Mag-ipon ng maraming pera upang maraming pang handa. Sa pag-ibig, paligayahin ang kasuyo mamayang hapon uwian ang kasuyo ng isang pagkaing – malamig, matamis at madaling matunaw. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Ang pagtulong sa kapwa ang magbibigay ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, lalo kang susuwertehin at kusang darating ang true love. Mapalad ang 2, 11, 19, 25, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Mag-isip ng dagdag pagkakakitaan ngayong bakasyon habang nagswi-swimming. Sa ganyang paraan, magiging productive ang leisure time mo. Sa pag-ibig, kapag marami na kayong pera ng kasuyo mas lalo pang magiging sweet ang suyuan. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Upang mas madaling umasenso laging gamitin ang isip at praktikalidad. Pagkatapos mag-isip, ipatupad agad ang anomang binabalak. Sa ganyang paraan ang pag-asenso at pag-unlad ay matitiyak. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Libra na napakasarap romomansa. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Malapit na ang Mother’s day. Pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa iyo, lalo na si nanay. Bukod sa cake bigyan din si nanay ng tatlong pulang bulaklak. Sa ganyang paraan magtutuloy-tuloy ang suwerte dahil mapagmahal ka sa iyong magulang. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Red at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Virgo ang tutulong sa iyo. Sa pag-ibig, isang Cancer ang muling magpapatibok ng iyong puso. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Umpisahan na ang “operation malawakang pagtitipid”. Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Navy blue at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo at walang hating pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Huwag pakialaman ang buhay ng iba. Ang sariling diskarte ang atupagin. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Lutasin na agad ang problema bago pa ito lumala. Wag ng hintaying lumaki ang tubo at penalty ng iyong mga utang, magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin ang kasuyong matampuhin, upang uminit muli ang relasyon, yayain siyang mag-night swimming. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending