Gerald umaming may ‘Feelings’ pa rin kay Bea: Never namang nawala! | Bandera

Gerald umaming may ‘Feelings’ pa rin kay Bea: Never namang nawala!

Ervin Santiago |May 01,2016
facebook
share this

Gerald umaming may ‘Feelings’ pa rin kay Bea: Never namang nawala!

Ervin Santiago - May 01, 2016 - 02:00 AM

gerald anderson

INAMIN ni Gerald Anderson na hanggang ngayon ay may “feelings” pa rin siya para kay Bea Alonzo na for the first time ay makakasama nga niya sa isang pelikula under Star Cinema.

Parehong excited ang dalawa sa pelikulang pagsasamahan nila na ididirek ni Dan Villegas. Sabi nga ni Gerald sa isang panayam, “I’m very excited of course, because she’s the best and it’s great to work with the best.”

Ayon naman kay Bea, “Matagal na no na dapat almost magkakatrabaho kami pero ngayon lang natuloy. So baka ito yung tamang timing.” Kung matatandaan, nagkaroon ng nakaraan ang dalawang Kapamilya stars, nabalitang “exclusively dating” kina Gerald at Bea noong 2010 pero bigla itong napurnada.

Ayon sa mga chika, nagdesisyong maghiwalay ang dalawa dahil sa tindi ng mga pananakot at pagbabanta noon ng mga fans nina Gerald at Kim Chiu laban kay Bea. Nang tanungin si Gerald kung posible bang bumalik ang “spark” sa kanila ni Bea, ito ang diretsong tugon ng binata, “Para sa akin never naman nawala. ‘Di ba tingnan mo naman siya, lagi siyang may spark.” Ibig sabihin, talagang may feelings pa siya para sa aktres.

Para naman kay Bea, “It’s too early to tell. Right now parang na-excite ako to see him and look at him o, ang gwapo, o.” Kasabay nito, sinabi ng dalaga na single na single siya ngayon at hindi totoong magdyowa na sila ni John Lloyd Cruz.

Bukod sa movie nila ni Bea, bibida uli si Gerald sa upcoming series ng ABS-CBN mula sa Dreamscape Entertainment, ang Because You Love Me kung saan muli niyang makakasama si Jake Cuenca at si Yen Santos na ididirek din ni Dan Villegas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending