Nadine: Hindi pa kami nag-aaway ni James mula po nang maging boyfriend ko siya!

jame reid

WA epek kina James Reid at Nadine Lustre ang patuloy na pangnenega ng ilang netizens na nagsasabing niloloko lang nila ang kanilang fans dahil peke naman daw ang kanilang relasyon.

Never daw sineryoso ng magdyowa ang mga pinagsasasabi ng kanilang bashers na gustong wasakin ang kanilang loveteam. For as long as alam daw nila ang totoo at patuloy na nakapagpapasaya ng mga tao, hindi raw nila papatulan ang mga ito.Sabi nga ni James nang tanungin kung naaapektuhan pa ba sila ng mga kanegahang ipinagkakalat ng ilang netizens, “We never did. I didn’t care.”

Ang huling pinatulan na isyu ni James ay ang kumalat na article sa social media tungkol kay Nadine na aniya’y sobrang offensive na. Sinabi kasi ng sumulat ng article na “inakit” ni Nadine ang binata kaya naging boyfriend niya ito.

“Well, I just found out one article really annoying. It’s a well known thing supposed to empower women. And then what they’re saying was lower your standards…I found the whole thing…you know. Nag-issue sila ng apology but of course, I wasn’t asking for it,” paliwanag ni James.

Sey naman ni Nadine, hindi niya nabasa ang naturang article at noong lumabas nga raw ito ay hindi niya agad nabasa. Sinabi lang sa kanya ni James ang tungkol dito.“Nu’ng day na lumabas po yung article na yon, parang actually, three days na po siyang naka-post nu’ng sinabi sa akin ni James. Nasa London po kami, palipat po kami ng milan nasa train station po kami. Tapos sabi niya, did you read the article?

“Sabi ko, what article? Di ko po alam. Yung phone ko, parang lowbat po o walang internet, so parang di ko po agad na-check. So, nu’ng ano po, naghihintay po kami, siya binabasa niya, tapos pagsakay namin ng train, yun nga, kinukwento na niya,” sey naman ni Nadine.

Todo-tanggol talaga sa kanya si James at sinabing walang katotohanan ang mga nakasulat sa nasabing online article. Reaksyon ni Nadine, “Siyempre po masarap sa pakiramdam. Nakakakilig! Hindi, I mean,

I guess du’n naman sa article, wala, hindi ko na nabasa. Pero sabi po kasi sobrang offensive.” “Parang ang sabi po sa akin ni James, parang ang sinasabi sobrang materialistic nung article, para maging Nadine Lustre ka kailangan mo ng endorsements, kailangan mo ng ganito ganyan, para magkaroon ka ng James Reid, ganyan-ganyan, parang si James, na-offend din,” aniya.

Samantala, katatapos lang mag-shooting ng kanilang upcoming movie na “This Time” ang dalawa na ipapalabas na sa darating na May 4.Hinding-hindi naman daw makakalimutan ng magdyowa ang naging experience nila sa Japan kung saan kinunan ang mahahalagang eksena ng kanilang latest movie.

“Feel Good. Last shooting day. Almost finished. Really excited missed doing movies after doing teleserye. Good to be doing movies again. This one is very light compared to our past movies. This one is just a really very light family movie. Light summer movie. Nadine’s character here is a cry baby I guess. My character naman as Coby is a lolo’s boy but he’s like a gentleman, he’s very sweet.” kwento ni James.

Para naman kay Nadine isang dream come true ang pagpunta nila sa Japan dahil matagal na nitong dream ang makita ang cherry blossoms, “Nag-enjoy po ako. Kasi gustung-gusto ko talaga makita yung cherry blossoms, nu’ng morning, after mahulog na sila. Saka po yung food nila. Pero wala pong time talaga na makapasyal.”

Magkakaroon din sila ng kissing scene sa movie pero feeling ni James, hinding-hindi na nila matatalo ang matitinding halikan nila sa On The Wings Of Love.Sa relasyon naman nilang dalawa, kuwento ni Nadine magmula nu’ng sinagot niya si James ay wala pa silang LQ (lovers’ quarrel), “Normal pa rin po kami, kung paano po kami nu’ng di pa kami, ganu’n pa rin po. Meron lang po yung medyo sweet na pag walang work, pero pag work po, work po talaga.”

Sa tanong naman kung may plano na si James para sa kantang birthday sa May 11, wala pa raw siyang naiisip dahil busy pa siya sa shooting ng kanyang mga bagong endorsements at iba pang commitments.
Sabi naman ni Nadine, meron na siyang birthday gift sa kanyang boyfriend pero secret daw muna ito.

Read more...