Coco kay Grace Poe: Hindi lang pera ang kailangan ng mga mahihirap!

coco martin

Bilang isang dating OFW, hindi nagkukulang si Coco Martin na paalalahanan si Sen. Grace Poe kung ano ang tingin niya ay makakatulong sa kaniyang mga mahihirap na kababayan.Ikinuwento ni Grace sa isang rally sa Malasiqui, Pangasinan kamakailan ang naging usapan nila ni Coco noong nagbabalak pa lang siyang tumakbo bilang pangulo.

Sabi raw ni Coco, “‘Ate Grace, kahit mahirap ang kanilang kailangan ay hindi lang pera. Ang kanilang kailangan ay paggalang at oportunidad ng kabuhayan,’” ani Grace sa naging usapan nila ng bida ng number one primetime show sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Kaya, sabi niya, ‘kung maibibigay mo ‘yan talaga ang makakatulong sa ating mga kababayan,’” dagdag pa ng senadora.Punto ni Coco, hindi lamang sa pagbibigay ng pera at kung anong materyal na bagay ang kailangan ng kanilang mahihirap na kababayan kung hindi oportunidad at trabaho rin.

Si Coco ay minsan ding nakaranas ng hirap ng buhay at nagtrabaho bilang janitor sa Canada bago nakatikim ng break sa showbiz. Pero hindi rin naging madali sa kanya ang mundo ng pag-aartista.

Read more...