Bongbong nanguna pa rin sa Pulse Asia survey
Leifbilly Begas - Bandera April 26, 2016 - 02:12 PM
NAPANATILI naman ni Sen. Bongbong Marcos ang pangunguna niya sa Pulse Asia survey matapos itong makapagtala ng 29 porsiyento sa poll na ginawa noong Abril 16 hanggang 20.
Lamang si Marcos ng limang puntos sa pumapangalawang si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakakuha ng 24 porsyento at 18 porsyento naman si Sen. Francis Escudero na nasa ikatlong pwesto.
Pang-apat naman si Sen. Alan Peter Cayetano na may 16 porsyento na sinundan ni Sen. Gringo Honasan na merong 4 porsiyento at Sen. Antonio Trillanes, 3 porsiyento.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents. May error of margin ito na plus/minus 2.3 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending